Dear Ateng,
Naalala mo nung nag-ym tayo tapos nakikipag-appointment ako para makahingi ng legal advice? Umoo ka nga agad. Hindi ka nga nagtanong kung tungkol saan o kung bakit o kung sino... Ganyan ka kasi, basta kapamilya, kapuso na rin. Yun lang, sobrang saya ng pinili mong oras at araw. Breakfast sa Figaro, sa Baywalk! Tama ba yun? Alam mo bang ganung oras pa lang ako pauwi non?!
Pero siyempre, go na rin. Tapos, pagdating don, nabadtrip ka pa nga kasi wala na pala yung mga kiosks at stalls sa baywalk. Remember, na-on-the-spot interview ka pa tungkol sa sentimyento mo sa pagdedemolish sa mga establishments na nakapagbigay ng trabaho, tambayan at pasyalan sa marami?
Teka, hindi tungkol sa bagong kaso o sa plight ng baywalk ang sulat ko. May magandang balita ako!
Kasi di ba, tinanong kita kung paano ako makakabayad sa walang pag-iimbot mong pagbibigay ng iyong kaalaman sa batas?
Dalawa yung sinabi mo di ba? Parehong payment in kind: Tickets at Rackets.
Ayan, makakabayad na ko! Ihanda mo na 'yung brochure at dadalin ko sa Lunes. Bibili na raw ng pangpaseksing undergarments si Girl Bawang. Pangdagdag sa racket mo.
And most marvelously, TICKETS!
Sa September 10, sa 70's Bistro, may libre kang ticket para mapanood mo ulit ang De Kada. Oo, sasabihin kong ihuli nila 'yung Hele para makatulog ka ng mahimbing habang nakikipag-race sa EDSA si Kuyang.
Tinanong mo rin ako kung kakanta si Choks? Hmm, di ako sigurado e. Pero sa pagkakakilala ko dun, game naman yun. Tipong pumito ka lang at isigaw ng malakas ang pangalan ni Choks, magnanakaw na yun ng mic at mic stand. Sana lang, magdala siya ng music sheet. Nakakahiya naman kung didiktahan pa siya ni Deng ng lyrics, di ba?
So, pano, sa Lunes... At long last, magkakasama tayo ng matagal tagal.
Bakit kasi hindi tayo magtagpo sa bahay... pareho naman tayo ng tinitiran.
Nagmamahal,
Japot
Friday, September 7, 2007
Dear Ateng
Posted by walangmalay at 8:56 PM
Labels: Familia Poets, Letters
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hoy Japot..salamat sa blog mo. pero sa September 10 ay bisperas ng birthday ni deenpot..di ako pwede mapuyat nun kasi may lakad kami ng 9/11 ng umaga. kakahiya naman kay deenpot kung aantok antok ako nun. wala na bang ibang gig sched ang dekadance? para kahit umagahan game kami.
kaya di tayo nagkikita kasi pang callcenter ang oras mo, kami pang-gobyerno.
may friendster na nga pala ako.. ginawa ni dino.. pero di ko pa alam gamitin.. hehe.
Post a Comment