Thursday, September 20, 2007

Mga Hindi Ko Alam

Pahinga muna. Blog muna. May refresher readings kasi ako na may kaugnayan sa batas pero hindi naman tungkol sa batas. Refresher kasi naalala ko noong nag-"OJT" ako kay Manong Alcala sa korte kung saan dinidinig ang mga kaso ng mga opisyal ng gobyerno.

Kaya buzzstop muna. Napaisip. Nadaanan ko na kasi yung proseso na dapat e bubutingtingin ko para mabasa ng madalian ng mga 8liens. So pakiramdam ko, madali ko lang makukuha ang gist. Pero magkaibang area kasi ang NOON at NGAYON. Ang akala ko na alam ko, hindi ko pa pala gaanong alam. Ang daming bago. Napayosi tuloy ako... at nakapagtimpla ng matapang na kape.

At heto, natanong ko na naman ang pinakamadalas kong kausap, si ako. Ano pa ba ang HINDI KO ALAM? Gusto kong masagot to siyempre connected kasi sa paghahabol kong maging Einstein at hindi Engengstein ng Walong Patong.

Yun.

Sagot ng kausap ko, tatlong bagay lang.

Una. At marami ako nito, hindi ko alam 'yung mga hindi naituro sa akin. Ito 'yung mga bagay na hindi ko nahagilap sa loob ng classroom since kindergarten. O simula't sapul, hindi ko natutunan. Halimbawa, magsalita ng Indian, magpiloto, magLinux, magviolin...

Ikalawa, eto, madalas ko tong gamitin... na sasabihin kong hindi ko alam pero ang totoo, wala kasi doon ang hilig o interes, o talagang may kabobohan lang, pero kahit paano, may alam ng kaunti pero sasabihin ko pa ring "hindi ko alam" para wala ng pilitan. Halimbawa, manahi, magtipid, magsalita sa harap ng maraming tao, magsalita sa kahit hindi maraming tao, magsales talk.

Ikatlo, at ito ang nakakatakot. Ito yung mga bagay na dapat ay alam ko, pero hindi pala. Mga tamang kalimot, kamalian, maling akala.
Iniiyakan ko to dati. Ehrmm, hanggang ngayon naman. Halimbawa? Naku, aaminin ko mga katangahan ko? Gowdnis! Noo!

But on second thought, hmm. Halimbawa, kanina... Ang alam ko, ang alam ko talaga, naibalik ko sa "japot" profile yung setting ng cellphone ko. Meaning, hindi siya naka-silent. Pero nagkamali ako. Mali ang alam ko. Naka-silent pala siya. Kaya naman nang magtext ang mga bosing ko, late ko na nabasa. Dalawang errand tuloy ang hindi ko nasunod.

Tapos, heto nga, nagbabasa ako ng may kaugnayan sa batas pero hindi tungkol sa batas. Sabi ko, alam ko na to. Pero kulang. So hindi ko pa talaga alam.

Kaya kailangan ng masinsinang pagintindi. Marubrob na pagunawa.

Pero kailangan ko naman ito sa lahat ng bagay.

Para maintindihan at maunawaan din ako.

1 comment:

Anonymous said...

Oi, achei seu blog pelo google está bem interessante gostei desse post. Gostaria de falar sobre o CresceNet. O CresceNet é um provedor de internet discada que remunera seus usuários pelo tempo conectado. Exatamente isso que você leu, estão pagando para você conectar. O provedor paga 20 centavos por hora de conexão discada com ligação local para mais de 2100 cidades do Brasil. O CresceNet tem um acelerador de conexão, que deixa sua conexão até 10 vezes mais rápida. Quem utiliza banda larga pode lucrar também, basta se cadastrar no CresceNet e quando for dormir conectar por discada, é possível pagar a ADSL só com o dinheiro da discada. Nos horários de minuto único o gasto com telefone é mínimo e a remuneração do CresceNet generosa. Se você quiser linkar o Cresce.Net(www.provedorcrescenet.com) no seu blog eu ficaria agradecido, até mais e sucesso. (If he will be possible add the CresceNet(www.provedorcrescenet.com) in your blogroll I thankful, bye friend).