Sa Walong Patong, doon 'yung opisina kung saan ako naging malaya--malayang makinig at pakinggan, magsalita at pagalitan, umamoy ng utot at sabihing ambantot, tumawa, magpatawa, umiyak, magpaiyak, kumanta, kumendeng, maghintay, hintayin, malasing, magsuka, mangutang, magpautang, ilibre, manlibre, at peborit, magsulat. Ikaw ba naman ang swelduhan habang ginagawa mo ang gusto mong gawin sa buhay?
Malaking change nga lang para sa 'kin. Kasi nahaluan ng teknikal. Masayang-malungkot. Masaya kasi bagong tuklas. Malungkot kasi nababagalan ako. Yung mga kasama ko kasi sa Walong Patong, pumupulandit ang kadalubhasaan. Mga abnormal ata. Ke bibilis! Parang lahat sila, may lakad. Pakiramdam ko, tipong mga emeritus na sila, ako, waitlisted pa rin sa kolehiyo. Mga batikan kasi--di naman mga dalmatians. Ewan ko ba. Siguro dahil ninuno nila si Einstein...
Si Grand Weinstein.
Sabi ko:
Engrande talaga ang taong to. Kahit kulang ng isang tiklado (di ko lang alam kung nawala o namisplace) kumpleto pa rin ang escala. Kahit missing in action yung isang key, nasa tono pa rin. Ke husay pa rin ng lumalabas na tunog basta tumugtog na si Grand Weinstein--name it, keyboard ng piano o kahit keyboard ng kompyuter. Sa sobrang bait nga lang, pinamigay niya sa isang pasahero ng fx yung keyboard niya. Ngayon, naghahanap siya ng mabait ring magbibigay ng kapalit nung pinamigay niyang keyboard.
Sabi niya:
Isa akong tigre. Trainer ko si Liz.
Si Pangk Einstein.
Sabi ko:
Itong isang to, malufet. Ka-wonder-twin power ata to ni Catwoman. Nine lives. Understudy din sya ni Wolverine. Ala eh, may self-healing powers. Di kaya alien discovery ni Sitchin? Malamang! Hindi normal ang katauhan nito e. Kasi kung naging programming language ang e=mc2, tiyak sisiw lang to sa kanya. Baka nga i-rap pa niya 'yung mga codes, kahit nakapikit. Partida, nahihilo pa yan! Kaso matigas talaga ang ulo. Wala kasing kinikilalang trainer. Ay, meron pala. Si Wittdengstein.
Sabi niya:
Basta huwag lang Math!
Si Wittdengstein.
Sabi ko:
Maluluma ang mga bago dito. At babaguhin niya ang mga luma. Kahit kasi saan mo ilagay, di ka mapapalagay. Siya yung tipong taong lalabasan ka sa pakikipagtalastasan. Dual personality to. Siya lang ang introverted na extrovert. Nagmellow na pala siya. Dati kasi, kahit mellow na, di mo pa rin ma-touch. Pero ngayon, mellow o hindi, tumatawa na. Halakhak pa nga! May kasama pang gimme five! Tapos tsaka ka niya papatulugin sa mala-adarnang lalalala. Ibang klase.
Sabi niya:
It's my fault! ... Why? Bakit?
Si Tatay Einstein.
Sabi ko:
Sa kanya nagmana si Pangk Einstein. Lulugo lugo na, pula pang mata, di na makaamoy ng utot, di na makagulapay, naku, kaulayaw pa rin si laftaf. At magpoprogram pa. At magtetraining pa. At magtotroubleshoot pa. At magboblog pa. Kakaiba sa lahat ng mga kakaibang nilalang! Pero pag nasa 100 porsyento ng kanyang lakas, imaginin mo na lang ang kaya niyang gawin! Kaya ko ngang itaya yosi ko na kaya niyang pagsabaying magbaketsbol at maglinux ng sabay. Kahit may hawak pang beer.
Sabi niya:
Bawal magkasakit! Linux. Linux!
Kaya nga minsan, natatanong ko na lang ang sarili ko. Nasaan na ang mga normal na tao? Tiyak di isa dun si Clarenstein. Abnormal sa busog yun e. Si Nildenstein, naku, magnonormalize lang 'yung pag hinainan ng kanin. Susme, e ilang minuto lang, ubos 'yon. Hindi rin si Rositenstein, sigurado. Sa kamay at dighay pa lang, tukoy na! Lalong hindi si Henyo. Futek, e pangalan pa nga lang, magpupruweba pa ba?
Kaya nga di ko talaga masagot...nasaan ang mga normal na tao? Tapos sasagot si Jaja 2 at Jaja 3. Sabay. In unison. Together. For sure, wala sa Walong Patong.
Shemas, wala pala kong kakampi. Ako na lang pala ang balanse.
Friday, September 14, 2007
Doon sa Walong Patong
Posted by walangmalay at 6:57 AM
Labels: Walong Patong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Sa aking JajakulEINSTEIN... di ko alam kung ano ang categorical definition mo ng normal... pero kung normal ka sa tingin mo, e far sighted ka. sigurado ako ikaw kasi yong taong di ugali ang magbuhat ng sariling bangko di gaya ng ibang nakilala ko.... pero ikaw yong kuwentuhan lang ng konsepto, mananahimik pero higit sa tatlumpu't tatlong pahina ng "rationale" e kayang ipahiwatig... kasi nga di ka kailangan pang kumibo, your pen (i mean your laftaf, too) says it all..... the minute you came to my rescue at 8layer.... naglaho ang aking pagiging megastar (kasi di ko na pasan ang daigdig)... at alam kong kahit di ka namin kapiling ngayon pagkatapos kumain at uminom sa Danny's Grill, kasama' kapiling mo ang iyong laftaf at ang esensya ng isang pagiging taga doon sa walong patong.... o sige na nga ang hirap managalog pag nagsimula kang mag-isip sa ingles.. pero eto ang pakiwari namin sa iyo, EPITOME KA NG ISANG 8LIEN.
ayus! di ko na gagayahin yung tono ni Wittdengstein mo kasi mala sharon yung dating eh si nora naman sya. =)
ano bang masasabi ko? "FUTEK" <--eto palang di na normal eh kaya nalilito ako kung JajakulEINSTEIN o FUTEKEINSTEIN yung ibabansag ko sa iyo...isip muna ako. o kaya patulong ako kay "Pangk Einstein" para talagang champion yung kakalabasan ng program para mag awtput ng bansag sa iyo. ok ba? pero syempre babayaran mo kami..ICECREAM ULIT sa iceberg.
teka sa mga OJT mo ba? wala bang mga Einstein dun?
hmm... ako'y nagpupumilit pa ring maging Einstein. hehehe. Engengstein pa ang tawag ni Jaja 3 sa akin.
33 pages?! may nagawa na ba kong ganun? hmm... si laftaf kasi, sarap pindutin. at mahilig kasi akong magfinger exercise.
bosing, ayun, nakakatuwa naman. may bahid einstein pala ko kahit nalilito po kayo. si dr. pangkeinstein po, baka mapahilot ng ulo nya kung hihingi pa kayo ng tulong. siguro, minimaynimow na lang. hehehe.
ice cream? kat may kasama pang donut!
Post a Comment