Thursday, September 27, 2007

NBN, Breaklunch, Proposals, etc.

I have a weakness for government issues. I can't explain why. Maybe it's because my penchant lies on hard-to-imagine things like the wonders of the universe. Haha!

I remember, a few weeks after my birthday (my birthday wish then was to be abreast with what's happening around me! now you know! that's why I can't tell, it sounds so uncool, right?), I read about PGMA's visit to give a keynote speech in a conference in China.

My "Wow, that's our President!" was later replaced by "Oh, no! That's our President..." when the newswriter in passing mentioned that PGMA secured almost a billion dollar contract for a broadband network... Hey, that was sometime April, just right before the elections!

And now, that contract has reached inquisition at the Senate. I heard it this afternoon on TV (heard because our Ch4 reception is so bad, we have to put faces on the voices ourselves). While ear-watching the senate inquiry, Ateng was taking notes, typing a letter, browsing the net and smsing someone and I, so busy too devouring my breaklunch (woke up late again!).

Suddenly, it occured to me... Just yesterday, we had a staff meeting. One of the bosses mapped how to go about a project. From the initial proposal to closing it to providing support.

The NBN contract... I wonder...

How did they do it? Who presented what? What is offered to whom? What IS the OFFER?

And why invoke the executive privilege?

Can't help but think how gargantuan the difference of the government process to our humble 8layer's.

My sanity left me just a while back. I'm doing a proposal, and it's for a branch of government.

The last time that we engaged in a bid, we were "turned down".

And here we are again, taking chances, hoping that somehow, this time, they can see the right difference.

Sunday, September 23, 2007

Those I Missed No Longer

As soon as I stepped out of my friend's car, I had no iota how happy I was. The rain had just stopped but there were drizzles still. I didn't mind.

The night was dark, the path was muddy.

I stepped in a puddle, and still, I walked on not minding that the edges of my favorite pair of pants were clingingly wet and slimy on my ankles.

I guess I was smiling when Jecjec and Jocjoc growled, which became excited barks as I came nearer our front door.

I am Home!

An hour before, I was on a bus which I spent looking out the window, unconsciously mindful of the giant billboards along Edsa and NLEX. These, I thought, causes visual pollution. But I was too busy whiling the time to even bring that out to my companion. Then, she asked why I seemed so far away. Without a blink, I recited the advertisement on the streamer that we passed by. Then, she slept on.

A text message nudged me out of reverie. It was from one of my Kuyas. He said he'd wait on us, anyway, he was also waiting for his wife. So we hitched our way to hometown.

It was a lively ride where, in the middle of it, I also received a call from my brother. He told me that "XXX" was featuring the modus operandi that victimized me a few months back. Well the story was, I parked my sister's car along Aurora corner Gilmore and when I got back, the rear window was in smithereens, and my laptop, gone.

Anyway, the trip back home abound of what has been happening since my troop of friends decided to put up the small resto. Tomorrow, I mean, today, at 6am, we're officially in business!

Oh how I missed my friends! But I have to wait till this morning to see them and the place. They've sweated so much to put it up--from planning to finally having the "house blessing" just that afternoon. My meager contribution was naming our business, V5 Sizzlers and Stuffs. Aside from laying out an initial plan of SOS, SOSME and SOSYAL business phasing.

Putting up the resto is a risky big leap considering that our town is a sleeping town where almost everybody is dead to the world by 10pm--except us, I think, who spends until way past midnight when we're together--dvd time, mahjong, videoke, food trips...

But then, the resto is just the start of things to come. No need for "wait and see". It's not me. I hate long waits. I tend to lose patience. Maybe that's why I rather live in the present.

And presently, I'm home. A while back, I couldn't contain how moved I was when my mom's first greeting was, "Are you hungry? Dinner's waiting." Her smile was contagious. It always is. Hers is one of the smiles that infects me no matter what mood I'm in.

My dad's first words totally blew me out: "Let me take a look at my favorite daughter and see if she's changed." The next thing I knew, I was faking a model's pose. Dad was laughing, and mom, shaking her head in giggles.

And I knew then why I didn't mind the drizzles, the puddle, the muddy stains--

I am finally home, sweetly home.

Thursday, September 20, 2007

Mga Hindi Ko Alam

Pahinga muna. Blog muna. May refresher readings kasi ako na may kaugnayan sa batas pero hindi naman tungkol sa batas. Refresher kasi naalala ko noong nag-"OJT" ako kay Manong Alcala sa korte kung saan dinidinig ang mga kaso ng mga opisyal ng gobyerno.

Kaya buzzstop muna. Napaisip. Nadaanan ko na kasi yung proseso na dapat e bubutingtingin ko para mabasa ng madalian ng mga 8liens. So pakiramdam ko, madali ko lang makukuha ang gist. Pero magkaibang area kasi ang NOON at NGAYON. Ang akala ko na alam ko, hindi ko pa pala gaanong alam. Ang daming bago. Napayosi tuloy ako... at nakapagtimpla ng matapang na kape.

At heto, natanong ko na naman ang pinakamadalas kong kausap, si ako. Ano pa ba ang HINDI KO ALAM? Gusto kong masagot to siyempre connected kasi sa paghahabol kong maging Einstein at hindi Engengstein ng Walong Patong.

Yun.

Sagot ng kausap ko, tatlong bagay lang.

Una. At marami ako nito, hindi ko alam 'yung mga hindi naituro sa akin. Ito 'yung mga bagay na hindi ko nahagilap sa loob ng classroom since kindergarten. O simula't sapul, hindi ko natutunan. Halimbawa, magsalita ng Indian, magpiloto, magLinux, magviolin...

Ikalawa, eto, madalas ko tong gamitin... na sasabihin kong hindi ko alam pero ang totoo, wala kasi doon ang hilig o interes, o talagang may kabobohan lang, pero kahit paano, may alam ng kaunti pero sasabihin ko pa ring "hindi ko alam" para wala ng pilitan. Halimbawa, manahi, magtipid, magsalita sa harap ng maraming tao, magsalita sa kahit hindi maraming tao, magsales talk.

Ikatlo, at ito ang nakakatakot. Ito yung mga bagay na dapat ay alam ko, pero hindi pala. Mga tamang kalimot, kamalian, maling akala.
Iniiyakan ko to dati. Ehrmm, hanggang ngayon naman. Halimbawa? Naku, aaminin ko mga katangahan ko? Gowdnis! Noo!

But on second thought, hmm. Halimbawa, kanina... Ang alam ko, ang alam ko talaga, naibalik ko sa "japot" profile yung setting ng cellphone ko. Meaning, hindi siya naka-silent. Pero nagkamali ako. Mali ang alam ko. Naka-silent pala siya. Kaya naman nang magtext ang mga bosing ko, late ko na nabasa. Dalawang errand tuloy ang hindi ko nasunod.

Tapos, heto nga, nagbabasa ako ng may kaugnayan sa batas pero hindi tungkol sa batas. Sabi ko, alam ko na to. Pero kulang. So hindi ko pa talaga alam.

Kaya kailangan ng masinsinang pagintindi. Marubrob na pagunawa.

Pero kailangan ko naman ito sa lahat ng bagay.

Para maintindihan at maunawaan din ako.

Friday, September 14, 2007

Doon sa Walong Patong

Sa Walong Patong, doon 'yung opisina kung saan ako naging malaya--malayang makinig at pakinggan, magsalita at pagalitan, umamoy ng utot at sabihing ambantot, tumawa, magpatawa, umiyak, magpaiyak, kumanta, kumendeng, maghintay, hintayin, malasing, magsuka, mangutang, magpautang, ilibre, manlibre, at peborit, magsulat. Ikaw ba naman ang swelduhan habang ginagawa mo ang gusto mong gawin sa buhay?

Malaking change nga lang para sa 'kin. Kasi nahaluan ng teknikal. Masayang-malungkot. Masaya kasi bagong tuklas. Malungkot kasi nababagalan ako. Yung mga kasama ko kasi sa Walong Patong, pumupulandit ang kadalubhasaan. Mga abnormal ata. Ke bibilis! Parang lahat sila, may lakad. Pakiramdam ko, tipong mga emeritus na sila, ako, waitlisted pa rin sa kolehiyo. Mga batikan kasi--di naman mga dalmatians. Ewan ko ba. Siguro dahil ninuno nila si Einstein...

Si Grand Weinstein.

Sabi ko:
Engrande talaga ang taong to. Kahit kulang ng isang tiklado (di ko lang alam kung nawala o namisplace) kumpleto pa rin ang escala. Kahit missing in action yung isang key, nasa tono pa rin. Ke husay pa rin ng lumalabas na tunog basta tumugtog na si Grand Weinstein--name it, keyboard ng piano o kahit keyboard ng kompyuter. Sa sobrang bait nga lang, pinamigay niya sa isang pasahero ng fx yung keyboard niya. Ngayon, naghahanap siya ng mabait ring magbibigay ng kapalit nung pinamigay niyang keyboard.

Sabi niya:
Isa akong tigre. Trainer ko si Liz.

Si Pangk Einstein.

Sabi ko:
Itong isang to, malufet. Ka-wonder-twin power ata to ni Catwoman. Nine lives. Understudy din sya ni Wolverine. Ala eh, may self-healing powers. Di kaya alien discovery ni Sitchin? Malamang! Hindi normal ang katauhan nito e. Kasi kung naging programming language ang e=mc2, tiyak sisiw lang to sa kanya. Baka nga i-rap pa niya 'yung mga codes, kahit nakapikit. Partida, nahihilo pa yan! Kaso matigas talaga ang ulo. Wala kasing kinikilalang trainer. Ay, meron pala. Si Wittdengstein.

Sabi niya:
Basta huwag lang Math!

Si Wittdengstein.

Sabi ko:
Maluluma ang mga bago dito. At babaguhin niya ang mga luma. Kahit kasi saan mo ilagay, di ka mapapalagay. Siya yung tipong taong lalabasan ka sa pakikipagtalastasan. Dual personality to. Siya lang ang introverted na extrovert. Nagmellow na pala siya. Dati kasi, kahit mellow na, di mo pa rin ma-touch. Pero ngayon, mellow o hindi, tumatawa na. Halakhak pa nga! May kasama pang gimme five! Tapos tsaka ka niya papatulugin sa mala-adarnang lalalala. Ibang klase.

Sabi niya:
It's my fault! ... Why? Bakit?

Si Tatay Einstein.

Sabi ko:
Sa kanya nagmana si Pangk Einstein. Lulugo lugo na, pula pang mata, di na makaamoy ng utot, di na makagulapay, naku, kaulayaw pa rin si laftaf. At magpoprogram pa. At magtetraining pa. At magtotroubleshoot pa. At magboblog pa. Kakaiba sa lahat ng mga kakaibang nilalang! Pero pag nasa 100 porsyento ng kanyang lakas, imaginin mo na lang ang kaya niyang gawin! Kaya ko ngang itaya yosi ko na kaya niyang pagsabaying magbaketsbol at maglinux ng sabay. Kahit may hawak pang beer.

Sabi niya:
Bawal magkasakit! Linux. Linux!

Kaya nga minsan, natatanong ko na lang ang sarili ko. Nasaan na ang mga normal na tao? Tiyak di isa dun si Clarenstein. Abnormal sa busog yun e. Si Nildenstein, naku, magnonormalize lang 'yung pag hinainan ng kanin. Susme, e ilang minuto lang, ubos 'yon. Hindi rin si Rositenstein, sigurado. Sa kamay at dighay pa lang, tukoy na! Lalong hindi si Henyo. Futek, e pangalan pa nga lang, magpupruweba pa ba?

Kaya nga di ko talaga masagot...nasaan ang mga normal na tao? Tapos sasagot si Jaja 2 at Jaja 3. Sabay. In unison. Together. For sure, wala sa Walong Patong.

Shemas, wala pala kong kakampi. Ako na lang pala ang balanse.

Wednesday, September 12, 2007

Olive Oil o Spinach?

Pasado alas-kwatro na ko nakarating ng office kanina.

Hindi naman alibi na puyat at may hangover ako. 'Yung mga bossing ko nga, tiyak mas pagod pa sa kin. Actually, lahat naman kami inumaga na paguwi. Ang saya at ang kulet kasi ng gig ng DeKada sa 70s Bistro.

Pero napasarap din kasi ako ng tulog sa aking hideout. Salamat na rin sa makapangyarihang boses na nagtaboy sa kin. Kahit nagpipilit ang three little indians na ampunin ako sa mahiwaga nilang lungga, nangibabaw pa rin 'yung "umuwi ka na lang". E di uwi. Tulog. Napahaba nga. Nakumpleto ko 'yung 8 hours. Siguro aabot 'yun ng half-day kung walang gumising ng iyak sa akin sa phone. Ramdam ko pa nga pati brssst nya.

Ang bilis talaga ng sagot ni Lord! Three weeks ago kasi, buong linggo akong naging spongebabe. Araw-araw, iba-ibang luha ang pinagpilitan kong patahanin. The week that followed, every other day naman. Last Friday, nakapagtanong tuloy ako, "Lord, bakit wala akong kliyente? Okay na ba sila? Wala na bang kong tear ducts na lilinisin? Magaan kasi ako pag may napapagaan akong iba."

Selfish reasons. Sabi nga ni Ayn Rand, selfishness is a virtue. Wataymin is, I tend to advise them what "I" want to hear.

Kaya nga ito ang summation ng payo ko kay caller number 2 ng magkita kami sa esem:

Baka naman pinapagod mo lang si Popeye? Your choice, be Olive Oil but don't expect him to always be there when you need help. Or be his Spinach, his source of strength and inspiration.

Yun lang, ang tanong niya, "Sino, ba mas gusto ni Popeye, si Olive Oil o ang Spinach?"

Nag-hang ako. Pero sigurado, hindi si Brutus.

Niwey, sabi ko sa kanya, "You're making your own reasons for crying."

Totoo naman. Ito kasing kaibigan ko, nagdevise siya ng way para daw malaman niya kung talagang mahal siya ng kanyang sinta. Gaga talaga. Kung kelan may date na ang kasal!

Kung ano man 'yung nangyari, hindi ko na sasabihin. Basta nagbigay lang ako ng rejoinder. Para sa akin kasi, una pa lang, mali na 'yung ginawa nya. Hindi naman kasi microchip ang puso na kailangang pumasa sa sangkatutak na QC para malaman kung papasa ba sa sanglibong standards.

Simple lang. Kung gagawin ni Olive Oil na career ang pagsigaw ng "Help!" at maging batayan yon kung siya pa rin ang lavadoo ni Popeye, pwede naman.

Hindi ko naman sinasabing kayanin lahat ang problema, o wag magtitiwala sa mga pulis at bumbero.

Ang sa kin lang, pano kung sabay silang sumisigaw ng "help"?

Scenario lang naman 'yung binigay ko. Kung papanong magiging makatotohanan 'yon, siya ng bahala.

Sabi ko nga, mas mainam kung siya si Olive Oil na maghahain kay Popeye ng Spinach. At para effortless, dapat may baon siya laging can opener.

Siyempre, napaisip din ako. Pano na lang si Brutus?

Pano nga?

Saturday, September 8, 2007

Lighthouse

May nagtanong sa 'kin dati kung takot daw ba akong mamatay. Ang yabang pa ng sagot ko. Matter of factly. Sabi ko, hindi.

Pakiramdam ko nga, nasa beauty pageant ako nung tanungin nya. Iyon kasi 'yung mga tanong na kung iiskoran ng mga hurado ang sagot ko e makakatanggap ng 98.88%. Kumbaga, sa swimsuit competition na lang ako manganganib. Pero pwede pa namang makaalpas dun. Idedeclare ko lang na sa kultong kinasasalihan ko, bawal magpakita ng kuyukot ang mga babae sa publiko.

Napaisip tuloy ako noon. Naghalukay ng mga sitwasyon na tipong nag-life or death ako.

Noong bata pa ako, napagtripan kong maglaro sa ibabaw ng lamesang kinukumpuni ng anluwagin namin. Tapos binaliktad niya 'yung lamesa. Hayun, kasama akong tumaob. Nagkamalay ako noon, nakasakay na ako sa kotse at ginigising ako ng aking madir. Huwag daw akong matutulog. Kaso lumulutang ang pakiramdam ko noon. Nagising ako, may IV na ko sa braso.

Hindi ko na matandaan kung gaano ako katagal noon sa ospital. Ang pumagkit sa isip ko, nang malaman kong ididischarge na ko, nagmukmok ako sa may hagdan ng ospital. Ayoko pa kasing umuwi.

Noon namang nag-ermitanya (nagbuhay independent ika nga) ako for almost four months, dalawang scenario ng life or death ang naaalala ko. Nanonood ako noon ng vcd nang lumindol. Hindi naman ako natakot. Ang naisip ko pa nga, yupi tiyak ako dahil limang palapag yon, e nasa ground floor ako. Naririnig ko, may nagtatakbuhan na sa labas. Gusto ko nga silang sigawan na, "Hoy, magsibalik kayo sa mga lungga niyo! Magtago sa ilalim ng mesa! Kung hindi kayo mamamatay sa stampede, sa mga nagbabagsakang kawad ng meralco kayo matetepok!"

Ang kalmante ko pa noon. Ni hindi nga ako nagtago sa ilalim ng mesa. Ni-rewind ko pa nga 'yung vcd. Tapos nainis ako kasi ilang minuto lang, nawalan na ng kuryente.

Tapos minsan naman, sumumpong 'yung ulcer ko. Nagpass-out ako sa sobrang sakit. Nang magkamalay ako, ang pumasok naman sa isip ko, kung sakaling matutuluyan ako, walang makakaalam na nagpaalam na pala ako sa mundo. Ayun, binuksan ko 'yung mga bintana. Para kako kung sakali man, may makaamoy man lang sa 'kin.

'Yung latest, noong makipagsabayan kaming lumangoy sa mga Butanding sa Sorsogon. Pangatlong dive na namin noon pero walang thrill. Yung nakakajam kasi naming Butanding, pulos mga nahihiya. Sabi ko sa guide, "Kuya, puro buntot naman ang nakikita namin e!" Ayun, nang sumunod na senyas ni Kuya Guide, pagdive ko, face to face kami ni Butanding! At nakanganga pa siya! As in mouth open wide! Akala niya siguro, isa akong plankton.

Pakiramdam ko noon, lalamunin ako ng black hole na korteng spheroid. Nablangko ako noon. Nakalimutan kong huminga. Di ko nga rin naikawag yung flippers ko. Na-amaze ako. I was one with nature. At ang unang pumasok sa utak ko, "Putek, ang laking gilagid!"

Kung ilang metro ang layo ko sa Butanding, hindi ko alam. Mahina ako sa kalkulasyon. Basta hindi ko naman siya nasagi nang sabayan ko siyang lumangoy. Ang sarap! Kitang kita ko yung mga white spots pati yung mga maliliit na isda na nakikiangkas sa kanya.

Paglutang ko sa tubig, ngawit na ngawit ako. Ang layo na nga nung bangka namin. Pero nakangiti pa rin. It was an experience I consider near-death. Ipinadama sa akin ni Butanding.

I was numb. Then, I swam. And now, heto, nagpipilit pa ring lumutang sa mundo. Pagod, pero tuloy pa rin. Hindi pa kasi ako dumadaong. Umaasa pa rin, na sana, may makita na kong lighthouse. Bago ako magcollapse.

Friday, September 7, 2007

Dear Ateng

Dear Ateng,

Naalala mo nung nag-ym tayo tapos nakikipag-appointment ako para makahingi ng legal advice? Umoo ka nga agad. Hindi ka nga nagtanong kung tungkol saan o kung bakit o kung sino... Ganyan ka kasi, basta kapamilya, kapuso na rin. Yun lang, sobrang saya ng pinili mong oras at araw. Breakfast sa Figaro, sa Baywalk! Tama ba yun? Alam mo bang ganung oras pa lang ako pauwi non?!

Pero siyempre, go na rin. Tapos, pagdating don, nabadtrip ka pa nga kasi wala na pala yung mga kiosks at stalls sa baywalk. Remember, na-on-the-spot interview ka pa tungkol sa sentimyento mo sa pagdedemolish sa mga establishments na nakapagbigay ng trabaho, tambayan at pasyalan sa marami?

Teka, hindi tungkol sa bagong kaso o sa plight ng baywalk ang sulat ko. May magandang balita ako!

Kasi di ba, tinanong kita kung paano ako makakabayad sa walang pag-iimbot mong pagbibigay ng iyong kaalaman sa batas?

Dalawa yung sinabi mo di ba? Parehong payment in kind: Tickets at Rackets.

Ayan, makakabayad na ko! Ihanda mo na 'yung brochure at dadalin ko sa Lunes. Bibili na raw ng pangpaseksing undergarments si Girl Bawang. Pangdagdag sa racket mo.

And most marvelously, TICKETS!

Sa September 10, sa 70's Bistro, may libre kang ticket para mapanood mo ulit ang De Kada. Oo, sasabihin kong ihuli nila 'yung Hele para makatulog ka ng mahimbing habang nakikipag-race sa EDSA si Kuyang.

Tinanong mo rin ako kung kakanta si Choks? Hmm, di ako sigurado e. Pero sa pagkakakilala ko dun, game naman yun. Tipong pumito ka lang at isigaw ng malakas ang pangalan ni Choks, magnanakaw na yun ng mic at mic stand. Sana lang, magdala siya ng music sheet. Nakakahiya naman kung didiktahan pa siya ni Deng ng lyrics, di ba?

So, pano, sa Lunes... At long last, magkakasama tayo ng matagal tagal.

Bakit kasi hindi tayo magtagpo sa bahay... pareho naman tayo ng tinitiran.

Nagmamahal,
Japot