Wednesday, August 22, 2007

Elephant Mode

Sa kaharian ng mga hayop, ang mga elepante daw ang may pinaka-evident expression ng emotions.

At elephant mode ako ngayon. Lahat ng puntahan kong lugar, ewan ko ba, pero pakiramdam ko, tinetest ako kung barado na ba talaga ang aking tearducts at level ng aking sigh functions.

Naalala ko si Buccikoy. Siya 'yung kinokonsider kong counterpart ni Ty Pennington pagdating sa fashion at beauty tips. Wataymin is, ilang beses din akong sinabihan ni Bucci na imemakeover nya ko. Napapayag naman ako minsan. Nagpalagay ako ng eyeshadow. Kataling pusod naman ni Bucci si Ces, na gusto din akong hubaran para madamitan ng mas kaigaigaya sa paningin ng nakararami.

Siyempre, optimist si Jaja 1. Barbie doll ako! Bibihisan at kukulayan upang maging mas kaakit-akit!

Pero masarap ding alalahanin yung mga taong hindi nakikita ang mga nakaalsang ugat sa kamay ko dahil enjoy silang kumanta sa trying hard kong pagtipa ng gitara. O balewala 'yung clumsiness at corniness ko kasi mas napapansin nila yung kaya kong gawin na hindi nila kayang gawin--kumanta ng Alphabet Song ng pabaliktad.

Naalala ko rin si Laila, Enteng, Elbert, Macoy, Lentot at Cj na pakiramdam ko e magiging klasmeyts ko sa LCP. Sila 'yung mga dati at minsanan kong ka-jam kay Winston sa Marlboro Country.

Again, positibo si Jaja 2. Kung mag-papausok ka rin lang, sabayan mo na ng dasal. Kung papaitaas ang smoke, ibig sabihin, pinakikinggan ka.

Pero nandiyan din yung mga taong hinahayaan ako sa tanging bisyo ko, pero alam kong concerned sila na baka magmukang incinerator ang baga ko.

Titigil din naman ako e. Naghahanap lang ako ng kasabay. Di ba, it takes two to tango? Akala ko nga si Enteng at Elbert yun e. Haha!

Dagdag din sa alaala ko ngayon sina Anne, Jovil at Manong na kasamahan kong nagnanakaw ng alatires pagkatapos ng shift naming maging callboys at callgirls. Tapos, magpapalipas kami ng utot sa McDo dahil sa pagsu-sundae ng alas singko o alas nueve ng umaga.

As usual, di pessimist si Jaja 3. At least, paguwi, dahil pagod at busog, straight na ang tulog at wala ng time para kamuhian 'yung mga sinisingil naming mga merkano.

But then, nakakamiss din yung mga taong kahit hindi ko gaanong nakakausap o nakakatext e alam kong sinsero pag nagtanong kung kumusta na ba ako. Kung busy ba ang araw ko. Kung masaya ba ko o malungkot. Kung kelan ako huling nagpunta ng Manila Zoo.

Marami pa silang nasa balakubak ng utak ko ngayon. Sina Cucay, Mia, Jez, Gracie. Sina Teindz, Edong, Epro, Glennfiddich. Tas sina Tay Ruben, Kuya Gary, Ems, Boom, Lola, Mash, Ryan. Sina Liz, Lara, Benchz, Charm, Rache, Ayen, Owen.

Elephant mode ako ngayon. Pasensya na. Senti.

No comments: