ash wednesday nga pala ngayon. pinapaalala na naman ng Simbahang Katolika na anuman ang gawin natin ngayon, ano man ang marating, gaano man katayog ang maabot, babalik at babalik tayo sa alabok.
in the end, ang magiging sukatan pa rin ng buhay ay kung ano ang ating nagawa at para kanino tayo gumawa ng tama o mali. (atsaka pala “bakit”, “saan” at “paano”… hehe).
pero mahirap pa ring sukatin. mahilig kasing magpalusot ang tao. ang unang alibi: tao lang ako. nagkakamali.
kung susumahin, ilang pagkakamali ba ang dapat malampasan para maitama ang isang bagay? ilang luha at singhot, ilang galit, ilang pasakit, ilang lumbay, ilang pagkadapa o ilang pagsuway ba dapat ang hangganan para matuto at nang lumao’y maging masaya, kuntento at panatag ang ating mga konsensya? (oops, hello konsensya! ayan, pinapansin na kita…)
at naalala ko lang, pinaalala sa akin ng isang kaibigan ang sana’y gawing pag-obserba sa paggunita ng mahal na araw. ang text niya, “Fasting and abstinence ha?”
sa tuwing nangangamusta kasi siya, at nagtatanong kung nasaan ako, honest at open as i am, siyempre sasabihin ko kung nasaan ako. at lagi naman, nagkakataon, iba’t ibang lugar ang naa-update ko sa kanya. libis, cafe juanita, metrowalk, bahay ni juan, mugen, galleria, mcdo.
pero higit sa fasting at abstinence sa mga gimik (na kadalasa’y hindi ako gumagastos… hehehe, hindi sa user ako, wala lang talaga akong budget… palusot na totoo!), mas mainam na mag-fast at mag-abstain hindi lang sa pagkain, kundi mas dapat kong ituon ang aking pansin sa mga gawaing dapat ay nagpa-fast o nag-aabstain ako. example, babawasan ko ang pagiging taklesa. hehe. hindi lahat ng tao ay nakakaalam na ako’y isang nilalang na palabiro. charing!
so for now, buhay ko na muna ang aasikasuhin ko. at buhay ng mga taong umaasa na sana’y buhay pa ako.
No comments:
Post a Comment