bukas, friday the 13th na naman. parang nangyari na ito nung isang buwan… at sa november na ang ulit nito! ibig sabihin, tatlong beses pala akong swerte sa taong ito! hehe.
eniweiz, pinapangunahan ko na maging optimistiko. kahit naman paano, nabahiran din ako ng pagiging mapamahiin, tulad ng hindi pagkanta tuwing nagluluto kasi daw makakapag-asawa daw ako ng matanda. kaya nga ang ginagawa ko, song and dance number pag nagluluto with matching sandok microphone. o di ba, effective? mukhang naabo na kahihintay yung aking magiging better half. waah!
naroon din yung bawal daw maligo at magwalis pag biyernes santo. ang tanong ko, bakit? ilang berdey ko na kaya ang natapat ng biyernes santo! alangan namang hindi ako maligo nun? kahiya naman sa nagrarangyaan kong mga guests.
tas huwag daw tumuloy sa pupuntahan kung may tatawid na pusang itim sa iyong daraanan. goodness, siguro kung naniniwala din sa pamahiin ang mga bossing ko, aba’y baka every other day, absent ako. may kapitbahay kasi akong may alagang pusang itim dati. namiss ko kaya un! asan na kaya siya?
to cut it short, ako ang taga-kontra ng mga pamahiin.
kaya nga hindi ako naniniwala na malas ang 13, lalu na ang friday the 13th.
sa illinois nga, iseselebreyt nila ang pagiging planeta ng Pluto sa March 13th. ito kasi ang araw na nadiskubre ni Clyde Tombaugh, taga-illinois, ang Pluto noong 1930. pero dahil nademote si Pluto bilang isang dwarf planet, para sa mga taga-illinois, kahit isang araw lang sa buong taon, kikilalanin nilang planeta si Pluto. at ang taunang pagkilalang ito ay mag-uumpisa sa friday the 13th, bukas! o, di ba kaswerte ni Pluto? demoted, pero greatly remembered.
parang buhay lang yan. ang iyong kamalasan ay swerte ng iba.
pero sabi nga, wala namang salitang malas. ang meron lang, taong hindi marunong makuntento sa buhay.
No comments:
Post a Comment