Ang saya kaya kagabi. Got the chance to bond with another LCP classmate, CJ! Watta good news she brought with her... nope, di pa sya magku-quit. Good for her. Haha! But the news she brought was more filling than the dinner at Mongkok... She's getting married!
Lotsa best wishes, CJ. Your French man sure is lucky, very very. :) Sabi nga ni bossing, isang French ang nahango sa kahirapan.
The bad thing though was, she had to leave early (c'mon, 11PM is early still). Her fiance got no keys. Lost it thrice already. Haha.
Masaya din ako nung umaga pala. Naka-attend kasi ako ng hearing tungkol dun sa isang so-called project-finisher na naniningil para sa so-called finished project nya na isinubmit daw kay 8layer. Kaya naalala ko tuloy nung gabi yung isa sa mga so-called IT expert na dating taga-8layer (at itinuring na kaibigan ng aming bossing) din na involve dun sa so-called finished project.
Si so-called IT expert sa netsec at sysad kasi yung unang pinaharap sa akin nung magjo-join ako ng 8layer. Siyempre, dahil ang alam ko'y isa siya sa mga partners, someone who is supposed to know about the products, services, projects AND culture of the company, nakipagkwentuhan na rin ako. That was three years ago. January o February ng 2007 ata. Basta ang natatandaan ko lang (at humingi na ako ng kapatawaran dahil sa kakitiran ng utak ko), he gave me a bad picture of the very company that he was working for. Imagine my surprise when he talked about "under the table" transactions. My dismay was from the way he said it. Like it was a part of a normal process in closing a contract. And so, for two months, I stalled and evaded Deng (nag-sorry na ko di ba? Huhu.) whenever she would ask me when I can start reporting for work. Me and my being righteous... haay.
Anyway, months after, during one of our social calls, Deng mentioned that RH was no longer connected with the company. Then a brief story to appease my curiosity followed.
And the rest is history.
Three-year anniversary na pala ng pagtatagpo namin ni so-called IT expert. (Hehe, nainggit lang ako sa lovebirds na nagcecelebrate ng kanilang week-saries...). Nonetheless, with anniversary or non, puno ng re-realizations ang araw ko:
- Kung ikaw ay kaibigan (o pinsan, o kapatid) ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo, mas kailangang doblehin mo ang iyong efforts. Ikaw, higit sa kaninumang empleyado, ang susunod na ime-measure ng mga kliyente o kausap ng kumpanya. (Nasaan na kaya si so-called IT expert na dating so-called friend ni bossing? Sana ay natuto na siyang magprogram.)
- Huwag maniniwala agad sa kwento. Kaya nga kwento, kasi pwedeng hindi totoo. At ang kwento, kahit pa sabihin mong "Mine is a fact", ay hindi applicable pa rin sa iba. (Nag-uunder the table pa rin kaya siya?)
- Gawin ang dapat gawin at huwag mawawala sa focus. Mapapansin ka rin nila kung talagang ginagawa mo ang iyong trabaho. (Salamat CJ sa realisasyong ito. Irerelate ko na lang sa malawakang inog ng buhay. Hehe.)
- Kung nasa tama ka, hindi magiging mali ang sitwasyon. At pag tunay kang tama at swerte, pati kaaway mo ay papanig sa iyo. (Ke abugado man siya o hindi. Hehe. Do I need to rephrase? Sige, let me rephrase, "Kung nasa tama ka, hindi magiging mali ang sitwasyon. At pag tunay kang tama at swerte, pati kaaway mo ay papanig sa iyo.")
Yun, ito muna. Kwento lang ito, at ito ang kwento ko. Maniwala ka.
No comments:
Post a Comment