Hindi ka raw matututong magbisikleta kung hindi ka matutumba at magagasgasan. Kung nag-aaral ka namang mag-drive, normal daw yung mabangga ka muna.
Kapag naman nag-aaral kang magluto, dapat matalamsikan ka muna ng mantika. Kaya nga nung natalamsikan ako habang nagluluto ng tikoy noong Chinese New Year, naisip ko, siguro, pwede na kong sumabak magluto.
Pero dapat pumasa muna sa strict standards ng aking mga intestines.
Nakapagluto na ko dati ng sinigang na maya-maya sa miso. Malakas lang ang loob ko kasi ako lang naman ang kakain. Nag-iisa kasi ako noon sa BCDA. Masarap naman siya. Ok naman ang asim. Kaso, dahil hindi ako marunong magbudget, napadami ang luto ko. Nauyam ako sa sinigang na maya-maya sa miso dahil tatlong araw ko siyang ulam.
Kanina, nagluto ako ng adobong manok. Isang linggo na kasing nasa freezer yung kawawang manok at walang pumapansin sa kanya. At dahil nag-iisa lang naman din ako, naglakas-loob na rin akong magluto.
Ang turo ni Mumsy, dapat sankutsado ang manok. Gisado sa sarili niyang mantika. So after kong isankutsa si chicken, hindi ko na alam ang gagawin.
Buti na lang, may cellphone si Mumsy! Nagising ko pa nga e. Pero natawa ang aking madir nang malaman niya ang pakay ng aking tawag. Kaya after niyang sabihin ang susunod na step para maging successful ang aking adobo, hinayaan ko na ulit siyang matulog.
All in all, I feel accomplished. Na-appease ko naman ang aking tiyan. Hindi naman masama ang lasa ng aking adobo. Next menu ko, tinola. Tutal, may manok pa rin sa freezer.
Sunday, June 8, 2008
Jadobong Manok
Posted by walangmalay at 3:38 PM
Labels: Familia Poets, Jakulit
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment