minsan, kahit ayaw ko, nagagawa ko yung mga bagay na ayokong gawin. tulad ng magpunta sa mall kung wala din naman akong balak bilin. ang kasunod kasi noon, napapabili din ako. at sa mga panahon ngayon, ito ang isa sa mga iniiwasan kong gawin. isa kasi akong impulsive buyer.
kaso, last saturday, after naming pumunta sa Joomla! Day Philippines, sa sm city edsa na kami dumiretso para doon sumakay ng fx pauwi ng bulacan.
at dahil naroon na nga ako sa mall, ayun, napasyal ako sa isa sa mga paborito kong tambayan. next to the bookstore, video store ang madalas kong itinerary. sad to say, na-leisure shopping na naman ako ng sangkatutak na vcd at dvd on sale. kay, ibinili ko na rin si popsy ng father's day gift--dalawang 2-in-1 dvd collection ni fpj.
naalala ko tuloy noong nakakita kami ni ate ng oil painting ni susan roces. hawig kasi sa rendering na yon si mumsy kaya hindi na ako ngayon nagtataka kung bakit number 1 fan si popsy ni fpj. hehe.
niwey, pagdating sa aking home sweet home (hello weekend!), after makipagchikahan kay madir (wala si padir, may bonding session with da big boys), nanood kami ng isa sa mga binili kong vcd. "i am sam" yung una kong isinalang. this time, normal ang aking madir. hindi kasi niya natapos yung movie. nakatulugan na niya. pero ako, sobrang na-touch. "i am sam" was simply amazing (hi smart, pahiram ng byline). same commendation goes to sean penn. at napatunayan ko na ang dali akong mapaiyak ng movies.
pero dahil ayoko namang matulog ng mugto ang mata ko (mahapdi kaya yun paggising sa umaga), nagsalang ulit ako. "the secret garden" naman. sa isip ko kasi, tutal napanood ko na siya, hindi na siguro ako maiiyak. kaso, sawi ako. hindi ko rin napigilang maluha sa ending.
tulad ng "a walk to remember" na everytime feel kong panoorin, kahit sampung beses ko ng napanood, naiiyak pa rin ako. haay, ambabaw talaga ng luha ko. ibig bang sabihin nito, mababa ang eq ko?
pero di na baleng matawag na iyakin, wag lang immature. :))
Tuesday, June 17, 2008
Mababaw na Luha
Posted by walangmalay at 3:07 PM
Labels: Familia Poets, Jakulit, Moviedobidoo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment