nagkakaroon lang ako ng pagkakataon ng mahaba-habang panoorin sa tv 'pag umuuwi ako ng bulacan ng weekends. doon, sarili ko ang remote ng dvd at tv. hehe. hindi naman sa selfish ako. may sarili naman kasing tv si ama sa kwarto at si inang naman, hindi mahilig manood, unless, bubble gang o mga gag shows ang palabas. o di ba, iba ang trip ng aking madir?
ang downside nga lang, hindi ako makarelate sa mga teleseryeng pinaguusapan sa opis. nung minsan, pinagkukwentuhan nila si kamandag. sabi ko, si richard gomez yun, di ba? ennnnggg. ang nasa isip ko pala, si tuklaw. haha!
dati din, halos araw-araw akong nagbabasa ng dyaryo. updated nga ako sa current events. pati sa mga current off-the-record events. pero ngayon, manakanakang balita na lang. mga snippets na lang ng headlines mula sa rss feeds ko sa inq7.net ang nababasa ko.
niweiz, noong sabado, nakinood ako ng tv at nakibasa ng dyaryo sa room 221 ng cardinal santos memorial medical center. libre kasi ang dyaryo dun at tv kung naka-check in ka. i mean, included sa bill.
napunta pala ako dun kasi may sakit si deen. naka-confine. pero that saturday, wala na siyang dextrose at di na rin naka-oxygen. actually, ang term ni atenggot, ginagawa na lang hotel ni deen ang cardinal. punta daw ako para masawata ko ang likot ng aking beybibeybihan. pero syempre, nakilaro lang ako. at nakitapdance kaming tatlo (ako, si deen at ang kuya ni deen na si yno) kay mumble. ipinalabas kasi ang happy feet sa cable habang nandoon ako sa room 221. tapos, nanood ng blue's clues sa laptop ang magkapatid kaya nagkaroon ako ng time na magbasa ng dyaryo.
at headline doon ang testimonya (and other nbn-related stories) ni lozada. matapos kong maghimutok, masuya, mafrustrate, manggalaiti at muli't muling mawalan ng tiwala sa kanilang dapat na pinagtitiwalaan ng bawat pilipino ay ibinalik ko ang tuon sa tv. nagsawa ako sa mga commercials (marami na palang bago, hehehe).
hanggang ginabi na ko. actually, nagpagabi talaga ako. hinintay ko kasi ang sine totoo sa gma 7. at lalu akong nagngitngit sa gobyerno. ifineature kasi ulit ang "batang kalakal" at "engkuwentro". parang binabalisong ang puso ko habang nanonood.
sino ba ang hindi? nagkakagulo sila sa kaituktukan dahil sa milyun-milyong komisyon at kontrata habang ang mga musmos e nagpipilit na kumita ng beinte pesos araw-araw at ang mga sundalo na kakarampot ang sweldo e nagbabakasakali sa kani-kanilang mga buhay.
naiinis ako. nayayamot. naiiyak. nawawalan ng pag-asa.
Monday, February 11, 2008
Room 221
Posted by walangmalay at 3:51 PM
Labels: Familia Poets, Foolitics, Jakulit
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment