Friday, February 15, 2008

Lasing Philosophy

Tutal lasing ako ngayon, pagusapan natin ang katotohanan sa likod ng mga usapang lasing.

Pero bago iyon, isang backgrounder muna.

Ano ang pilosopiya?

Futek. Apat (hmm, aktwali higit pa...) na taon ko ring binuno ang pag-aaral nito. For the blogging moment, I'll confine the definition of philosophy to this: It is that which seems to be what you think and want to think it is although not exactly.

That settled, let's go to my topic.

Ano ba ang Pilosopiya ng Lasing?

To put it in context, mahirap ang topic na ito. Parang Epistemology. It's begging the question. Una, sa Epistemology kasi, pinagaaralan ang "knowledge". At para masagot mo kung ano ang "knowledge" kailangang gamitan mo ng... knowledge. Ano ba ang nalalaman mo sa "knowledge"... mag-isip isip, isa dalawa tatlo... Saan mo kukuhanin ang sagot? Alin ba ang nagpoproseso para masagot ang tanong na ito? At ikalawa, paano mo sasagutin ang una?

Parang ganito. Hindi ko maaaring tanungin si PGMA kung ano ang tingin nya sa nakaupong presidente ng Pilipinas. It's begging the question.

Kaya tama ba na para malaman ko kung ano ang Pilosopiya ng Lasing, kailangang kumausap ako ng lasing? O maglasing ako?

Again, to level off, when I mean drunk, as in dead drunk. Oo, yung papatay ka na pero hindi mo pa alam. Yung nagsasabi ka na ng mga katotohanan na hindi mo masasabi kung rasyonal ka.

Next term, rationality. Bawat semestre sa kolehiyo, lumalabas ang terminong ito. In layman, rasyonal ka pag nangingibabaw ang tamang pag-iisip, desisyon, aksyon o husay higit sa anuman--hindi emosyon, hindi puso, hindi puson.

With these in mind, masasabi ba nating may pilosopiya ang lasing? Na ang lasing, pag nangusap, totoo lahat? Na ang tunay na kulay ng isang tao ay lumalabas kapag nalalasing?

Ibig bang sabihin non, pag hindi ako malasing, wala akong tunay na kulay?

Ano ba ang dapat inumin para malasing ng husto? Yun bang kaya kong sumigaw na hindi ko iniisip na makakaeskandalo ako. Na kaya kong humambalos ng dos por dos na hindi ko na iisiping baka wala siyang insurance? Na magagawa kong murahin lahat ng nandaya sa akin sa piko, teks, at shatong?

Lasing kasi siya nang tanungin nya ko. Kaso hindi ako lasing noon. Kaya ang sagot ko, "tanungin mo ko pag wala ka ng impluwesiya ng espiritu ng alak."

Kaso hindi na siya nagtanong ulit.

Natanong ko nga si Jaja 2. Ang sagot sa akin, "Tanga ka? E hindi na nga siya lasing!"

Futek talaga.

No comments: