Tutal lasing ako ngayon, pagusapan natin ang katotohanan sa likod ng mga usapang lasing.
Pero bago iyon, isang backgrounder muna.
Ano ang pilosopiya?
Futek. Apat (hmm, aktwali higit pa...) na taon ko ring binuno ang pag-aaral nito. For the blogging moment, I'll confine the definition of philosophy to this: It is that which seems to be what you think and want to think it is although not exactly.
That settled, let's go to my topic.
Ano ba ang Pilosopiya ng Lasing?
To put it in context, mahirap ang topic na ito. Parang Epistemology. It's begging the question. Una, sa Epistemology kasi, pinagaaralan ang "knowledge". At para masagot mo kung ano ang "knowledge" kailangang gamitan mo ng... knowledge. Ano ba ang nalalaman mo sa "knowledge"... mag-isip isip, isa dalawa tatlo... Saan mo kukuhanin ang sagot? Alin ba ang nagpoproseso para masagot ang tanong na ito? At ikalawa, paano mo sasagutin ang una?
Parang ganito. Hindi ko maaaring tanungin si PGMA kung ano ang tingin nya sa nakaupong presidente ng Pilipinas. It's begging the question.
Kaya tama ba na para malaman ko kung ano ang Pilosopiya ng Lasing, kailangang kumausap ako ng lasing? O maglasing ako?
Again, to level off, when I mean drunk, as in dead drunk. Oo, yung papatay ka na pero hindi mo pa alam. Yung nagsasabi ka na ng mga katotohanan na hindi mo masasabi kung rasyonal ka.
Next term, rationality. Bawat semestre sa kolehiyo, lumalabas ang terminong ito. In layman, rasyonal ka pag nangingibabaw ang tamang pag-iisip, desisyon, aksyon o husay higit sa anuman--hindi emosyon, hindi puso, hindi puson.
With these in mind, masasabi ba nating may pilosopiya ang lasing? Na ang lasing, pag nangusap, totoo lahat? Na ang tunay na kulay ng isang tao ay lumalabas kapag nalalasing?
Ibig bang sabihin non, pag hindi ako malasing, wala akong tunay na kulay?
Ano ba ang dapat inumin para malasing ng husto? Yun bang kaya kong sumigaw na hindi ko iniisip na makakaeskandalo ako. Na kaya kong humambalos ng dos por dos na hindi ko na iisiping baka wala siyang insurance? Na magagawa kong murahin lahat ng nandaya sa akin sa piko, teks, at shatong?
Lasing kasi siya nang tanungin nya ko. Kaso hindi ako lasing noon. Kaya ang sagot ko, "tanungin mo ko pag wala ka ng impluwesiya ng espiritu ng alak."
Kaso hindi na siya nagtanong ulit.
Natanong ko nga si Jaja 2. Ang sagot sa akin, "Tanga ka? E hindi na nga siya lasing!"
Futek talaga.
Friday, February 15, 2008
Lasing Philosophy
Posted by walangmalay at 8:59 PM 0 comments
Thursday, February 14, 2008
Love at First...
I ask him via sms, for lack of nothing to do, if it was love at first sight. He readily answered, no.
"It was love at first talk," was his reply, with matching umlaut (uhm, the letter u with a pair of dots above it often called "smiley").
Love at first talk. Nice. My brother has a lot of sense, really.
Mischievously teasing sister that I am, I pushed asking him yet again on how long after realizing his feelings that he was able to confess his love.
Gamely, he replied, "Three years."
They went steady for six more years and got married, the product of which is a naughty-talky-witty Elai, now 4 years old.
And yesterday, we exchanged text messages again. My brother, Rhey, is in Zamboanga and was asking me if I know a flower shop that can deliver flowers for his one and only "Lav" on the 15th.
"On the 15th?!" I asked.
Haha! My brother said flowers are cheaper after Valentines.
And so, after a heavy meal at Bahay ni Lola (Pidoy's to many), the scouting for a nearby flower shop was en route.
The Royal Flower Shoppe was were I finally placed the delivery for Rhey's Lav. Then, there was the card. Hmm. I texted him and asked what to put there. Within minutes, he was able to compose his love message which I, in turn, carefully transcribed (adding more lines to even the space, hehehe).
By the way, the spring roses were delivered this morning, in time for Valentines, and he texted me his thanks.
Lav loved the flowers. =)
Posted by walangmalay at 10:37 PM 0 comments
Labels: Familia Poets, Jakulit
Monday, February 11, 2008
Room 221
nagkakaroon lang ako ng pagkakataon ng mahaba-habang panoorin sa tv 'pag umuuwi ako ng bulacan ng weekends. doon, sarili ko ang remote ng dvd at tv. hehe. hindi naman sa selfish ako. may sarili naman kasing tv si ama sa kwarto at si inang naman, hindi mahilig manood, unless, bubble gang o mga gag shows ang palabas. o di ba, iba ang trip ng aking madir?
ang downside nga lang, hindi ako makarelate sa mga teleseryeng pinaguusapan sa opis. nung minsan, pinagkukwentuhan nila si kamandag. sabi ko, si richard gomez yun, di ba? ennnnggg. ang nasa isip ko pala, si tuklaw. haha!
dati din, halos araw-araw akong nagbabasa ng dyaryo. updated nga ako sa current events. pati sa mga current off-the-record events. pero ngayon, manakanakang balita na lang. mga snippets na lang ng headlines mula sa rss feeds ko sa inq7.net ang nababasa ko.
niweiz, noong sabado, nakinood ako ng tv at nakibasa ng dyaryo sa room 221 ng cardinal santos memorial medical center. libre kasi ang dyaryo dun at tv kung naka-check in ka. i mean, included sa bill.
napunta pala ako dun kasi may sakit si deen. naka-confine. pero that saturday, wala na siyang dextrose at di na rin naka-oxygen. actually, ang term ni atenggot, ginagawa na lang hotel ni deen ang cardinal. punta daw ako para masawata ko ang likot ng aking beybibeybihan. pero syempre, nakilaro lang ako. at nakitapdance kaming tatlo (ako, si deen at ang kuya ni deen na si yno) kay mumble. ipinalabas kasi ang happy feet sa cable habang nandoon ako sa room 221. tapos, nanood ng blue's clues sa laptop ang magkapatid kaya nagkaroon ako ng time na magbasa ng dyaryo.
at headline doon ang testimonya (and other nbn-related stories) ni lozada. matapos kong maghimutok, masuya, mafrustrate, manggalaiti at muli't muling mawalan ng tiwala sa kanilang dapat na pinagtitiwalaan ng bawat pilipino ay ibinalik ko ang tuon sa tv. nagsawa ako sa mga commercials (marami na palang bago, hehehe).
hanggang ginabi na ko. actually, nagpagabi talaga ako. hinintay ko kasi ang sine totoo sa gma 7. at lalu akong nagngitngit sa gobyerno. ifineature kasi ulit ang "batang kalakal" at "engkuwentro". parang binabalisong ang puso ko habang nanonood.
sino ba ang hindi? nagkakagulo sila sa kaituktukan dahil sa milyun-milyong komisyon at kontrata habang ang mga musmos e nagpipilit na kumita ng beinte pesos araw-araw at ang mga sundalo na kakarampot ang sweldo e nagbabakasakali sa kani-kanilang mga buhay.
naiinis ako. nayayamot. naiiyak. nawawalan ng pag-asa.
Posted by walangmalay at 3:51 PM 0 comments
Labels: Familia Poets, Foolitics, Jakulit
Friday, February 1, 2008
Ano daw?
Gusto ko kasing i-update 'tong blog ko kaso sa dami ng gusto kong isulat, wala akong maumpisahan. Kaya tinanong ko ang sarili ko. Ano ba yung mga bagay na hindi ko makakalimutan? Kaso marami pa rin.
Kaya napunta ako sa mga unforgettable replies... Ito yung ilan sa mga naaalala ko. Read on.Ako: Sorry, I'm late.
Usual: Sanay na kami.
Newsual: Pag nauna ka, mas nakakapagtaka.
Unforgettable: Ayan, may tatawa na sa jokes ko!
Ako: Una na ko senyo.
Usual: Bata ka pa!
Newsual: Sa min ka uuwi? Sabay na tayo!
Unforgettable: Are you sure?
Ako: Saan tayo kakain?
Usual: Sa plato.
Newsual: Kila Bading.
Unforgettable: Sa SM Cinema 10.
Ako: Anong masarap kainin?
Usual: Pagkain.
Newsual: Yung hindi iniinom.
Unforgettable: Gusto mo talagang malaman?
Ako: In love ako!
Usual: Na naman?
Newsual: Akala mo lang 'yon.
Unforgettable: Puso o utak?
Ako: Magquit na kong mag-smoke.
Usual: (ngising aso...)
Newsual: Kelan?
Unforgettable: A quitter never wins.
Ako: C'mon, let's eat ourselves!
Usual: (Nasanay na sila...) Tara, kain na raw!
Newsual: I'll eat mine.
Unforgettable: I'm full. Go ahead, eat yourself.
Posted by walangmalay at 6:59 PM 0 comments
Labels: Jakulit