Wednesday, October 31, 2007

Basta Oo!

Ang dali kong napa-oo samantalang dati, bago ako sumagot, kailangan walang nasasagasaan na trabaho o kahit personal committment.

Pero kanina, ewan ko ba, um-oo kagad ako. Siguro dahil ang tagal ko ng hindi nakakatanggap ng text o tawag mula sa kanya kaya isang aya lang, sama na! Walang gatol, walang pagdadalawang isip.

Ngayon ko tuloy naisip na baka bumulagta na ako sa pagod. Bukas kasi, este memya, kailangan kong tapusin yung manual para sa pos applix. Tas bili ako gift para kay Ditse kasi birthday niya ng a-uno. Magsisimula na rin kaming gumawa ng floral arrangements para sa Undas. Pero nakasagot ako na tatao sa Sizzlers buong araw bukas. Doon din kasi magpipickup ng bulaklak yung mga umorder sa min.

At sa Biyernes, matapos ang ilang taon, aakyat ako ulit ng bundok. Ang nakakatawa, yun nga, basta um-oo lang ako. Walang tanung-tanong kung saan at kung ga'no kataas yung aakyatin namin. Basta gusto ko lang. Siguro kasi wala ako sa sarili ko. Napagalitan kasi ako sa office. Dami ko kasing backlog. Puro umpisa, pero hindi ko pa natatapos. Masarap sana, ang daming bago. Pero ang dami ding kasing commercial sa trabaho. Kaya kanina, hayun, the invitation was a welcome deviation. Kahit pa isang milenyo na kong hindi man lang nag-eexercise, isa lang ang pumasok sa isip ko. Bagong lugar. Bagong kasama. Kahit man lang isang araw.

Haay! Buhay pa naman siguro ko pagdating ng Sabado kasi itutuloy namin yung napack-up na MTV shoot ng kasal ni bespren.

Susulitin ko na lang malamang ang pahinga sa Linggo.

At kung sakaling humihinga pa nga ako sa Lunes, kailangan ko ng isang epektibong strategy para magawa ko na ang mga gusto kong gawin sa buhay.

Hmm, sa bundok ko na lang mumuni-munihin kung pano. Mahabahabang akyatin din naman yon. Good luck na rin sa 'kin!

No comments: