Sarap dito. Para akong may sariling mundo. Walang iniisip, walang kinakausap, walang pinakikinggan. Kailangang sulitin. Apat na oras ko lang tong malalasap. Malamig ang aircon, tapos bawat poste dito may outlet... at may lan (wala nga lang cable). Sige na nga, kaya siguro mahal ang matrikula dito kasi pwede kang magsaksak ng kahit anong gusto mong isaksak basta 220v. Mas sulit lalu na kung may wi-fi sana.
Anyway, buti na lang kanina, nagbago ang isip ko. Balak ko na talagang umuwi kasi ang dami kong bitbit. Pero naulinigan ko kasi na pwedeng maghintay doon sa Gate 2. So lakad ako sa Gate 2 bitbit ang laptop ko, backpack at paperbag ni Gugey (Gigay to all, Gugey to me).
Ayun nga pala. Kaya pala ko andito sa air conditioned study/waiting/lobby hall ng mga berdeng namamana kasi mageentrance exam si Gugey. Itatry daw nya kung makakalusot sya dito in case na hindi sya makalusot doon.
Kaya heto ako, ang mabait at maaasahang tita. Instant abay ngayong hapon. Buti nga pumayag si bespren atorni na next week na lang namin gawin yung mtv shoot para sa kasal nya, or else...else.
At kaya mas napasarap pa ang pagtambay ko dito kasi may bago akong kasama at kaulayaw. Ang saya! Hindi nakakasawa. Actually, siya pa rin yung dati, kaso ang laki ng nabago sa kanya. Kumbaga, yung panlabas niyang anyo, siya pa rin. Pero ang kaloob-looban nya, halos lahat nabago. Para ba siyang bagong labas sa retreat house. Same outside, but inside, he's free, open and significantly brighter. Nakakahawa yung lightness nya. Parang ang dali niyang kilalanin at kausapin. Siguro kasi lahat ng "fantastic" pinagsamasama na dito sa laptop ko. At Linux! Linux! Tapos nilalaro ko na yung Gimp. At terminal gamit ko sa restart (reboot) at shutdown (poweroff). Hehehe. Achievement! Yet, ang babaw pa nito.
Pero nakakatuwa. Para kong bata na matapos masugatan sa pakikipagagawan ng kendi at awayin ng mga kalaro eh uuwing may nakaabang na pasalubong na hulahoop. (Namimiss ko na kasing maghulahoop...)
So heto, 3 hours to go. Maghuhulahoop... este i-oorganize ko lang ang mga pinagbabackup kong files. Tas memya, try kong magsaksak ng DVD at tapusin ang season 1 ng Grey's Anatomy. Tas paglabas ni Gugey, try naming maghanap ng Full Season ng House.
Para kasing gusto kong magdoctor. Haha!
Monday, October 15, 2007
Ang Paghihintay
Posted by walangmalay at 6:30 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment