Fact: Mula noong pagpasok ng 2009 (2% ng 2009, hehe), hindi pa ako naabsent sa beer. Ewan ko ba, parang gabi-gabi na lang, sa mga napupuntahan ko, laging may sesyon, e hamak na tapos na ang Oktoberfest. Jan 1, New Year's celebration; Jan 2, 70s Bistro sa pagbabay sa berdey ni bossing Mara; Jan 3, wedding preps kila Annie; Jan 4, wedding ni Annie; Jan 5, 8liens sa Bahay ni Juan; Jan 6, DNS sharing ni Junior; at kagabi, naunsyaming Email Server sharing ni Roz.
Fiction: Lasing Philosophy pa rin. Hindi maipaliwanag ng "utak kong lito" (henyo, pahiram ng iyong legendary phrase... hehe...) at mananatiling higanteng question mark ang katinuan ng isang tao kapag nalalasing. Although may mga basis na ako tulad ng nangyari kay Roz ("Hindi ako lasheng!"), at kay JR (kunwari hindi tunay na pangalan, haha!) na kumakanta ng "Di Ako Iiyak" habang nanglilimahid sa luha ang mga mata.
Fact: Nakakuha na si Momsy ng US NIV. Na-aapprove siya for a 10-year multiple entry under non-immigrant status sa US. Ang saya nga e. Nagtambay ako sa Baclaran Church, nakapagnovena kay St. Gerard, at naka-attend ng misa para sa 3 Kings. Hayan, sana hindi na mamroblema ang ate ko habang tinatapos yung kanyang grad studies. Ngayon pa lang, sobrang namimiss ko na si Momsy. Five months kaya siya dun! Ibig sabihin, 5 months akong walang ina. Waaah! Walang adobo, walang dinuguan, walang seafood curry... at walang bantay ang Popsy ko?! Oh no!
Fiction: Matuto kaya akong magluto in five months?
Fact: Isa na akong misyon. Kahit saan yata ako mapadpad -- sa trabaho, sa reunion, sa salu-salo sa barkada, nagmimistula akong nakakatawang tampulan ng tukso. Kulang na lang, ipost nila ang profile ko sa lost and found section ng mga dating sites sa internet. Kaya nga nagsenti mode ako sa Walang Malay. In fairness, hindi naman ako choosy (hindi talaga!!!). Sila ang choosy. Hehe, palusot.
Fiction: Malas daw ang mga taong ipinanganak sa year of the rabbit ngayong year of the ox. Ibig sabihin, malas ako. Pero sa nagdaang 2% ng 2009, hindi pa naman ako minamalas. Pero hello, last year kaya, swerte daw kami. Ngee, hindi kaya. Kung swerte ang mga rabbits last year, sana nakapagbreed na ako. Haha!
Fact: Solve ako sa ilang natanggap kong holiday gifts. Si SciPhone, si Baguio shirt, si Pink VS perfume, si Red jacket, si Sagada bead bracelet, at si lucky door charm. At siyempre, pababasbasan ko na rin si crystal bead rosary. Sa mga nakaalala, sobrang daming salamat. Sa mga makakaalala pa lang, thank you in advance. Hehe.
Fiction: Huwag ko kayang ibigay yung mga hindi ko pa naiaabot na holiday gifts ko? Selfish.
Thursday, January 8, 2009
Choose ko 'Day!
Posted by walangmalay at 12:40 PM
Labels: Familia Poets, Jakulit, Walong Patong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment