Sa gitna ng kabisihan sa 8layer, siyempre kailangang ipagdiwang ang utak ng pagiging abala naming lahat.
Haberdey Sir Meriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiic!
Ang totoo, sa Sagada pa lang, ipinagdiwang na namin ang berdey ni big boss Meric Mara. Pero ang climax, sa new headquarters ng 8liens ipinagpatuloy. In so short a notice, pagdating ng alas otso ng gabi, inalis sa kamalayan ng mga 8liens ang anumang may kinalaman sa trabaho upang kumanta, sumayaw, tumawa at magpakuha ng litrato. Hehehe. Medyo walang ganong kuha ang berdey celebrant kasi sya rin ang photographer ng gabing 'yon. Hindi dahil sa kanya ang camera, pero kasi berdey niya. E sya lang naman ang may creative shot, baka pag kami ang humawak ng camera, either puro ulo o puro paa ang mangyari.
Bakit nga pala kami masaya? Dahil maraming pagkain? Pwede... pero ung handa ni Tatay (ahm, isa pang tawag namin kay Bossing) e un ung nakaugalian orderin pag may bisita o may berdey sa 8layer. Dahil may beer? Maaari... pero local beer lang naman un at kanya kanyang kuha sa palamigan. Dahil first time naming ma-utilize ang music room (na server room, library, sleeping quarters, etc.)? Siguro... pero sa palagay ko, kaya kami masaya, kasi masaya kaming maging masaya dahil masayang maging boss si Tatay Meric. Biruin mo, may bossing ka na iga-guide ka, ituturo ang lahat (este, yung maaarok lang pala ng padawan, hehehe) ng walang kapaguran (with matching slide presentation) at pag-iimbot. Nagpapaabuso nga si Tatay Meric e. Pero pag napuno ang salop, nangangalos din.
Kaya kaming mga 8liens, saludo kami kay Boss Mara na Tatay Meric pa. One of the most uniquest kind. (Walang akong paki maging redundancy. Hehe.)
Kaya kami masaya...
Agen, agen...
Haberdey Sir Meriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiic!
Saturday, January 5, 2008
Nang Magberdey si Boss Mara
Posted by walangmalay at 9:08 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment