Sunday, November 4, 2007

kabuluhan

isa ito sa mga napagmunihan ko sa piling ni makiling... para sa ibang pang wala lang, bisitahin lamang si walang malay.

huwag kang mag-alala
naiintindihan ko
kung buong puso mong
ipadama na ako’y
walang halaga

sa tuwina
sa pagtatama ng mga mata
naaaninag ko ang iyong
pangamba

kaya’t nauunawaan ko
kung bakit
gusto mong
umiwas
ngunit hindi ang
lumayo

makalimot
upang mapunan

masaktan
ng higit na makaramdam

upang patuloy kang
manabik
na ako’y
ipagtabuyan
upang ako’y
maipagsanggalang.

kaya’t
nakikiusap ako
huwag kang
magpaliwanag

sapat na sa aking
marinig
ang mga katagang
hindi mo
mabigkas.

No comments: