Hindi ko raw dapat isipin na pangit ang araw ngayon. Sabagay, tama naman. Madali kasi akong maapektuhan ng at makaapekto sa mga taong nasa paligid ko kaya wala akong karapatang magpakita ng pagliligalig.
Pero sino ba naman ang mag-iisip ng maganda? Lumindol na nga, tapos bumabagyo pa. Maganda ba yun? Isabay ko pang hanggang ngayon e hindi man lang ako nakakagawa pa ng hakbang para mapalitan yung mga IDs at cards na laman ng nawala kong wallet. Tapos nagkwento pa si kuya manong na ayaw na niyang bumalik sa skul. Haay, buyay nga naman, parang parking lot. Kung kailan gusto mo ng space, tsaka ang hirap hanapin.
At kung kailan naman asang-asa ka na wala ka ng mapaglalagyan e tsaka pala maluwag. Pero nakakalungkot pa rin. Kasi wala pala yung mga akala mong magiging kasabayan sa arangkada. Nag-iba na sila ng parking space. Mas gusto nila dun sa free parking. O dun sa covered parking. O sa may valet parking. O sa No Parking.
Sabagay, baka ambisyosya lang ako. Wala naman kasing parking slot para sa akin kasi wala naman akong sasakyan.
Pero wag ka, dalawang beses na kong nahuhuli ng pulis sa loob ng dalawang buwan. Isang No Left turn at isang No U-turn violation. Pero dahil parehong malapit ng maghapunan nung mga oras na ‘yon, ke dali nilang kausap. Boink boink nga yung inaaruga kong moralidad. Kaso wala talaga akong lisensya. At di ko naman maisurender yung plaka ng kutsicar kasi hindi naman akin. Hayko!
Tapos sisingit pa sa utak ko na may nagpapatigil sa king magtrabaho. Hihi. Kasi gusto niyang magwork ako para sa kanya. Hehe. Para daw gumanda ang takbo ng buhay ko. Haha! Teka, ganun na ba ko kagulo? Huhu? O ganun kalaki ang tiwala niya sa akin? Hmm. Kawawa naman si Gugey kung ganon. Haha ulit!
Tapos may nagtanong sa kin kung paano malalaman ang kaibhan ng crush at love.
At nakatutok ako sa palabas na Kung Ako Ikaw na center of attention ang aking center of phobia. Inadobo pa nga e.
Susme. Naubos na naman ang gabi ko. Hindi pa rin ako inaantok.
Binuno ko pa naman ang bagyo para lang makauwi ng maaga. Namimiss ko na kasing katabi si Dolphyn. Naku, kelangan na rin nitong mapa-dry clean. Pati si Kerber.
Pati ako.
Wednesday, November 28, 2007
Ang Mga Hindi Dapat Iniisip
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment