naalala ko nung magpunta kami sa freedom bar. may dalawang banda na nagpasayo ng kanilang awitin at sinabing walang title yung kanilang tinugtog. tapos, sa conspiracy din, nung tumugtog si rj jmnz, may kinanta din siyang walang title. uso ata ang mga walang title ngayon. anyway...
last weekend, mahabang byahe ang ginawa ko. sa haba niya, mahaba-habang pagmumuni-muni din ang naganap sa isip kong tuliro na rin sa mga bagay-bagay na dapat kong gawin (pati na rin yung mga bagay na hindi ko dapat ginawa).
sa pagdating ko naman sa aking destinasyon, tila bulang naglaho sa aking itinerary ang mga binalak kong gawin habang kako nagpapahinga sa nilibreng tuluyan sa min ni dadadidodu. sarap kasing mapahinga dun. bagong klima. bagong kwarto't kama. bagong channel sa cable. bagong food staples. bagong mga kainan. bagong mga kwentong mumu (dun daw sa bed na tinulugan ko, yun daw yung huling hinigan ng katawang lupa nung mga magulang nung may-ari nung bahay, sumalangit nawa!), bagong mga trip (sabayan daw ba ang mga sandamakmak na aliens sa pakikipagtalastasan). in short, bagong mundo sa loob ng 48 oras. isang commercial ng yugto ng buhay ko.
sa pagpagtatapos ng aking paglalakbay sa norte, kasabay ng mga manaka-nakang ambon at pag-ulan, heto't back to my senses na ulit ako. pagbukas pa lang ni laftaf, parang routine, agad kong binuksan yung aking email at kasabay nun ang status ng aking mga tasks at projects. parang gusto akong kurutin nung mga overdues ko sa wiki at online documentation, ganun na rin yung mga artiks sa website. at nagyeyehey naman yung proyekto na makalap lahat ng mga document templates na kailangan namin sa opisina para naman mapabilis ang aming correspondences.
naroon din yung constant reminder ko na rebyuhin ang linux filesystem. pagdating kasi sa mga bagay na teknikal, ewan ko ba, pero sa short-term retention lang kinacategorize ng aking hippocampus ang mga ito. kaya para ma-override at mailagay sa long-term, kailangan kong magrebyu lagi. heto't nakalimutan ko na nga ulit kung alin sa ext3 at reiserfs ang may journalling. nakalagay kasi sa nokbuk ko, sa ext3 siya, pero sa isang sulok ng aking nagpipilit na makaintindi ng mga teknikalidad, reiserfs ang may journaling. buti na lang, pwedeng i-google! o di-ba, ang salitang "google" ay pwede na ngayong gamiting verb?
at hayun, nagkaiba lang pala ang ext3 at reiserfs sa usapang pinuhan ng sector. pareho naman palang may journalling. mas lamang nga lang sa ngayon ang reiserfs sa usapang journalling.
ano ba ang journalling? para sa mga linoobs (pinaikling linux newbies) at nyologs (non-linux users or no-linux backgrounds), ang journalling ay... ito yung... para siyang record book. bawat proseso na nangyayari sa filesystem, dito nila-log. kumbaga, isinusulat niya ang bawat transaksyon na ginawa mo sa iyong filesystem. importante ito sa mga pagkakataong magcrash ang iyong computer. nagbabasa-basa pa rin ako ngayon, pero pag naintindihan ko na ng lubusan, magandang mai-share ko na rin. tipong in vernacular para masaya. umpisahan ko sa filesystem, hindi nga lang ngayon. ike-ks (knowledge sharing) ko muna sa office.
haay. daming iniisip. pati tuloy yung interview sa embassy, kinatatakutan ko. kawawa naman si atenggot pag hindi ako nakapasa, lalu't pinayagan na ko sa office na mag-leave. kawawa kasi all-expense paid nya to. maliban dun sa interview appointment na binayaran ko ng $9.95. barya lang naman to compared sa visa apps na $131 at plane fare (two-way reservation na kaya). sayang talaga pag na-deny ako. waah! ang problema ko, paano ko mapapaniwala ang consul na super duper closely tied ako kay motherland para magnais ng greener pasture sa ibang lugar. ang akin lang naman, which is what i personally believe, ang nagpapasaya naman sa tao ay siya rin. kung matayog ang pamantayan nya para maging kuntento sa buhay, dapat matayog din ang dapat niyang abutin para makamit yon at dapat, tayugin nya rin ang lipad.
ako naman, hindi naman katayugan ang pangarap ko. pero lipad ko to. maaaring matayog sa iba, pero sa akin, i'm freely flying. nag-eenjoy na ko e. ganoon naman. basta gusto natin ang ating paglipad, kahit bumabagyo pa, kakayanin! atsaka, penguins can fly, di ba? haha! whee!
Tuesday, July 29, 2008
lipad ko to
Posted by walangmalay at 8:34 PM
Labels: Beerkada, Jakulit, TekkieLang, Walong Patong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment