Wednesday, September 12, 2007

Olive Oil o Spinach?

Pasado alas-kwatro na ko nakarating ng office kanina.

Hindi naman alibi na puyat at may hangover ako. 'Yung mga bossing ko nga, tiyak mas pagod pa sa kin. Actually, lahat naman kami inumaga na paguwi. Ang saya at ang kulet kasi ng gig ng DeKada sa 70s Bistro.

Pero napasarap din kasi ako ng tulog sa aking hideout. Salamat na rin sa makapangyarihang boses na nagtaboy sa kin. Kahit nagpipilit ang three little indians na ampunin ako sa mahiwaga nilang lungga, nangibabaw pa rin 'yung "umuwi ka na lang". E di uwi. Tulog. Napahaba nga. Nakumpleto ko 'yung 8 hours. Siguro aabot 'yun ng half-day kung walang gumising ng iyak sa akin sa phone. Ramdam ko pa nga pati brssst nya.

Ang bilis talaga ng sagot ni Lord! Three weeks ago kasi, buong linggo akong naging spongebabe. Araw-araw, iba-ibang luha ang pinagpilitan kong patahanin. The week that followed, every other day naman. Last Friday, nakapagtanong tuloy ako, "Lord, bakit wala akong kliyente? Okay na ba sila? Wala na bang kong tear ducts na lilinisin? Magaan kasi ako pag may napapagaan akong iba."

Selfish reasons. Sabi nga ni Ayn Rand, selfishness is a virtue. Wataymin is, I tend to advise them what "I" want to hear.

Kaya nga ito ang summation ng payo ko kay caller number 2 ng magkita kami sa esem:

Baka naman pinapagod mo lang si Popeye? Your choice, be Olive Oil but don't expect him to always be there when you need help. Or be his Spinach, his source of strength and inspiration.

Yun lang, ang tanong niya, "Sino, ba mas gusto ni Popeye, si Olive Oil o ang Spinach?"

Nag-hang ako. Pero sigurado, hindi si Brutus.

Niwey, sabi ko sa kanya, "You're making your own reasons for crying."

Totoo naman. Ito kasing kaibigan ko, nagdevise siya ng way para daw malaman niya kung talagang mahal siya ng kanyang sinta. Gaga talaga. Kung kelan may date na ang kasal!

Kung ano man 'yung nangyari, hindi ko na sasabihin. Basta nagbigay lang ako ng rejoinder. Para sa akin kasi, una pa lang, mali na 'yung ginawa nya. Hindi naman kasi microchip ang puso na kailangang pumasa sa sangkatutak na QC para malaman kung papasa ba sa sanglibong standards.

Simple lang. Kung gagawin ni Olive Oil na career ang pagsigaw ng "Help!" at maging batayan yon kung siya pa rin ang lavadoo ni Popeye, pwede naman.

Hindi ko naman sinasabing kayanin lahat ang problema, o wag magtitiwala sa mga pulis at bumbero.

Ang sa kin lang, pano kung sabay silang sumisigaw ng "help"?

Scenario lang naman 'yung binigay ko. Kung papanong magiging makatotohanan 'yon, siya ng bahala.

Sabi ko nga, mas mainam kung siya si Olive Oil na maghahain kay Popeye ng Spinach. At para effortless, dapat may baon siya laging can opener.

Siyempre, napaisip din ako. Pano na lang si Brutus?

Pano nga?

Saturday, September 8, 2007

Lighthouse

May nagtanong sa 'kin dati kung takot daw ba akong mamatay. Ang yabang pa ng sagot ko. Matter of factly. Sabi ko, hindi.

Pakiramdam ko nga, nasa beauty pageant ako nung tanungin nya. Iyon kasi 'yung mga tanong na kung iiskoran ng mga hurado ang sagot ko e makakatanggap ng 98.88%. Kumbaga, sa swimsuit competition na lang ako manganganib. Pero pwede pa namang makaalpas dun. Idedeclare ko lang na sa kultong kinasasalihan ko, bawal magpakita ng kuyukot ang mga babae sa publiko.

Napaisip tuloy ako noon. Naghalukay ng mga sitwasyon na tipong nag-life or death ako.

Noong bata pa ako, napagtripan kong maglaro sa ibabaw ng lamesang kinukumpuni ng anluwagin namin. Tapos binaliktad niya 'yung lamesa. Hayun, kasama akong tumaob. Nagkamalay ako noon, nakasakay na ako sa kotse at ginigising ako ng aking madir. Huwag daw akong matutulog. Kaso lumulutang ang pakiramdam ko noon. Nagising ako, may IV na ko sa braso.

Hindi ko na matandaan kung gaano ako katagal noon sa ospital. Ang pumagkit sa isip ko, nang malaman kong ididischarge na ko, nagmukmok ako sa may hagdan ng ospital. Ayoko pa kasing umuwi.

Noon namang nag-ermitanya (nagbuhay independent ika nga) ako for almost four months, dalawang scenario ng life or death ang naaalala ko. Nanonood ako noon ng vcd nang lumindol. Hindi naman ako natakot. Ang naisip ko pa nga, yupi tiyak ako dahil limang palapag yon, e nasa ground floor ako. Naririnig ko, may nagtatakbuhan na sa labas. Gusto ko nga silang sigawan na, "Hoy, magsibalik kayo sa mga lungga niyo! Magtago sa ilalim ng mesa! Kung hindi kayo mamamatay sa stampede, sa mga nagbabagsakang kawad ng meralco kayo matetepok!"

Ang kalmante ko pa noon. Ni hindi nga ako nagtago sa ilalim ng mesa. Ni-rewind ko pa nga 'yung vcd. Tapos nainis ako kasi ilang minuto lang, nawalan na ng kuryente.

Tapos minsan naman, sumumpong 'yung ulcer ko. Nagpass-out ako sa sobrang sakit. Nang magkamalay ako, ang pumasok naman sa isip ko, kung sakaling matutuluyan ako, walang makakaalam na nagpaalam na pala ako sa mundo. Ayun, binuksan ko 'yung mga bintana. Para kako kung sakali man, may makaamoy man lang sa 'kin.

'Yung latest, noong makipagsabayan kaming lumangoy sa mga Butanding sa Sorsogon. Pangatlong dive na namin noon pero walang thrill. Yung nakakajam kasi naming Butanding, pulos mga nahihiya. Sabi ko sa guide, "Kuya, puro buntot naman ang nakikita namin e!" Ayun, nang sumunod na senyas ni Kuya Guide, pagdive ko, face to face kami ni Butanding! At nakanganga pa siya! As in mouth open wide! Akala niya siguro, isa akong plankton.

Pakiramdam ko noon, lalamunin ako ng black hole na korteng spheroid. Nablangko ako noon. Nakalimutan kong huminga. Di ko nga rin naikawag yung flippers ko. Na-amaze ako. I was one with nature. At ang unang pumasok sa utak ko, "Putek, ang laking gilagid!"

Kung ilang metro ang layo ko sa Butanding, hindi ko alam. Mahina ako sa kalkulasyon. Basta hindi ko naman siya nasagi nang sabayan ko siyang lumangoy. Ang sarap! Kitang kita ko yung mga white spots pati yung mga maliliit na isda na nakikiangkas sa kanya.

Paglutang ko sa tubig, ngawit na ngawit ako. Ang layo na nga nung bangka namin. Pero nakangiti pa rin. It was an experience I consider near-death. Ipinadama sa akin ni Butanding.

I was numb. Then, I swam. And now, heto, nagpipilit pa ring lumutang sa mundo. Pagod, pero tuloy pa rin. Hindi pa kasi ako dumadaong. Umaasa pa rin, na sana, may makita na kong lighthouse. Bago ako magcollapse.

Friday, September 7, 2007

Dear Ateng

Dear Ateng,

Naalala mo nung nag-ym tayo tapos nakikipag-appointment ako para makahingi ng legal advice? Umoo ka nga agad. Hindi ka nga nagtanong kung tungkol saan o kung bakit o kung sino... Ganyan ka kasi, basta kapamilya, kapuso na rin. Yun lang, sobrang saya ng pinili mong oras at araw. Breakfast sa Figaro, sa Baywalk! Tama ba yun? Alam mo bang ganung oras pa lang ako pauwi non?!

Pero siyempre, go na rin. Tapos, pagdating don, nabadtrip ka pa nga kasi wala na pala yung mga kiosks at stalls sa baywalk. Remember, na-on-the-spot interview ka pa tungkol sa sentimyento mo sa pagdedemolish sa mga establishments na nakapagbigay ng trabaho, tambayan at pasyalan sa marami?

Teka, hindi tungkol sa bagong kaso o sa plight ng baywalk ang sulat ko. May magandang balita ako!

Kasi di ba, tinanong kita kung paano ako makakabayad sa walang pag-iimbot mong pagbibigay ng iyong kaalaman sa batas?

Dalawa yung sinabi mo di ba? Parehong payment in kind: Tickets at Rackets.

Ayan, makakabayad na ko! Ihanda mo na 'yung brochure at dadalin ko sa Lunes. Bibili na raw ng pangpaseksing undergarments si Girl Bawang. Pangdagdag sa racket mo.

And most marvelously, TICKETS!

Sa September 10, sa 70's Bistro, may libre kang ticket para mapanood mo ulit ang De Kada. Oo, sasabihin kong ihuli nila 'yung Hele para makatulog ka ng mahimbing habang nakikipag-race sa EDSA si Kuyang.

Tinanong mo rin ako kung kakanta si Choks? Hmm, di ako sigurado e. Pero sa pagkakakilala ko dun, game naman yun. Tipong pumito ka lang at isigaw ng malakas ang pangalan ni Choks, magnanakaw na yun ng mic at mic stand. Sana lang, magdala siya ng music sheet. Nakakahiya naman kung didiktahan pa siya ni Deng ng lyrics, di ba?

So, pano, sa Lunes... At long last, magkakasama tayo ng matagal tagal.

Bakit kasi hindi tayo magtagpo sa bahay... pareho naman tayo ng tinitiran.

Nagmamahal,
Japot

Monday, August 27, 2007

Gusto mo ng ayaw ko?

Sa lahat ng ayoko, ang una sa listahan ko e 'yung binibitin ako. Kaya nga hindi ako nanonood ng mga palabas na may prefix na "tele". Hindi ko kayang maghintay ng 24 hours para lang malaman kung tatahol ba si Pulgoso kinabukasan. Lalong hindi ko kayang palipasin ang Sabado't Linggo para lang mapanood ang kasunod ng nabitin na Friday episode.

Ayoko rin ng tsismis kasi para sa akin, bitin naman 'yon sa katotohanan. Ubos oras naman kung beberipikahin ko pa kung talagang mafia si Bektas at battered wife si Ruffa. Although marami na kong source na talagang materialistic si Anabelle Rama. But then, anong mapapala ko kung alamin ko ang buhay nila? Hindi din naman ako papatulan ni Richard Gutierrez.

Hindi ko rin kaya ang makipagtextmate. Ayoko kasi ng nabibitin ako sa pagkikilanlan. Na hindi ko alam kung nagsasabi ba ng katotohanan si textmate pag sinabi niyang isa siyang arkitekto, doktor, pari, tambay. Although dati, noong hindi pa uso ang cellphone at internet, naaliw ako sa pakikipagpenpal. Nag-iipon kasi ako ng stamps, kasabay ng pangongolekta ko ng mga carebear stickers.

Kaya nga gusto kong tapusin 'yung David's Sling at Scrooge Series kasi naniniwala ako sa Golden Rule. Kung ano ang ayaw kong maramdaman, hindi dapat ako maging tulay para maramdaman pa iyon ng iba.

Alam ko, nakakabitin ang kwento ni David at Sarah. At kung kailan nga ba unang umiyak si Lakeisha. Pero bitin din kasi ang pinagkukunan ko ng lakas sa mga panahong ito.

Kaya ito na lang ang aking pambawi. Kung gusto nyong malaman kung "Bakit Walang Makaimbento ng Time Machine", mag-email lamang sa jaja.dr@gmail.com, magrequest at viola! may libreng kwentong tapusan na kayo! Masyado kasing mahaba kung ipo-post ko pa dito kaya nilagay ko muna sa aking online docs repository.

Isang warning lang, ang "Bakit..." ang kauna-unahang rejection ko sa pagsusulat. Isinubmit ko 'to sa Precious Hearts Romances at sinabi sa 'kin ng editor:

Hindi ganito ang mga klase ng kwentong ipina-publish namin. Bakit hindi mo i-try sa UP Press?

Ewan ko ba. Hindi ko alam kung maiinis ako (kasi sayang din ang P7,000.00) o mapa-flatter (UP Press? Futek, first try ko, UP Press?).

Pero hindi ko na pinagpilitan ang "Bakit..."

Bakit? Kibitbalikat na lang ako. Tinamad na yata akong maglakad noon. Kaya ngayon, ipapabasa ko na lang ng libre sa kung sino man ang gustong magbisibisihan o kung sino man ang may oras at gustong magbasa ng mahabahabang kwento.

Thursday, August 23, 2007

David's Sling 03

"What's your schedule tomorrow?" he asked without even looking up from the newspaper he's reading.

"Nothing specific. Why?" I asked too.

David then put the paper down and with a mischievous smile on his lips said, "Janice is coming over for dinner. I'm cooking."

I stared at David long and hard. I let out a deep breath. "That's my cue. All right, I'll spend the night over at wherever. I hope you'll have a great time with her."

"No! I want you to be here for dinner, too. So you'll meet Janice. Come home early."

"David, I know Janice back and bones. I can even write a book of your love story. Of how Janice opened your eyes and made you commune and appreciate nature. And from the pictures you've been showing me, I can also point her out from a crowd if ever I saw just her head."

"But I'll be cooking again!" David half shouted the last word.

"And I'm happy for you," I said. To my surprise, I was sincere saying it.

McDonald's became my best buddy, and Starbucks my wish grantor for almost 6 months because David hasn't been cooking since he and Emilie parted ways. He also became a private property of his room. And tonight, the backpack-sporting adventure-seeking cave-and-mountain-exploring lean and tan Janice had brought back David's flavors and spices.

"I'll try to change my mind. Thanks for the invite anyway."

"I need you to be there, Sarah. I miss the way you criticize my dish after your third serving."

A slow smile spread across David's eager face and I was mesmerized all over again. And the "zing!" was back. I could feel a sweet tingling down my spine as he earnestly said, "I miss you most of all."

Wednesday, August 22, 2007

Elephant Mode

Sa kaharian ng mga hayop, ang mga elepante daw ang may pinaka-evident expression ng emotions.

At elephant mode ako ngayon. Lahat ng puntahan kong lugar, ewan ko ba, pero pakiramdam ko, tinetest ako kung barado na ba talaga ang aking tearducts at level ng aking sigh functions.

Naalala ko si Buccikoy. Siya 'yung kinokonsider kong counterpart ni Ty Pennington pagdating sa fashion at beauty tips. Wataymin is, ilang beses din akong sinabihan ni Bucci na imemakeover nya ko. Napapayag naman ako minsan. Nagpalagay ako ng eyeshadow. Kataling pusod naman ni Bucci si Ces, na gusto din akong hubaran para madamitan ng mas kaigaigaya sa paningin ng nakararami.

Siyempre, optimist si Jaja 1. Barbie doll ako! Bibihisan at kukulayan upang maging mas kaakit-akit!

Pero masarap ding alalahanin yung mga taong hindi nakikita ang mga nakaalsang ugat sa kamay ko dahil enjoy silang kumanta sa trying hard kong pagtipa ng gitara. O balewala 'yung clumsiness at corniness ko kasi mas napapansin nila yung kaya kong gawin na hindi nila kayang gawin--kumanta ng Alphabet Song ng pabaliktad.

Naalala ko rin si Laila, Enteng, Elbert, Macoy, Lentot at Cj na pakiramdam ko e magiging klasmeyts ko sa LCP. Sila 'yung mga dati at minsanan kong ka-jam kay Winston sa Marlboro Country.

Again, positibo si Jaja 2. Kung mag-papausok ka rin lang, sabayan mo na ng dasal. Kung papaitaas ang smoke, ibig sabihin, pinakikinggan ka.

Pero nandiyan din yung mga taong hinahayaan ako sa tanging bisyo ko, pero alam kong concerned sila na baka magmukang incinerator ang baga ko.

Titigil din naman ako e. Naghahanap lang ako ng kasabay. Di ba, it takes two to tango? Akala ko nga si Enteng at Elbert yun e. Haha!

Dagdag din sa alaala ko ngayon sina Anne, Jovil at Manong na kasamahan kong nagnanakaw ng alatires pagkatapos ng shift naming maging callboys at callgirls. Tapos, magpapalipas kami ng utot sa McDo dahil sa pagsu-sundae ng alas singko o alas nueve ng umaga.

As usual, di pessimist si Jaja 3. At least, paguwi, dahil pagod at busog, straight na ang tulog at wala ng time para kamuhian 'yung mga sinisingil naming mga merkano.

But then, nakakamiss din yung mga taong kahit hindi ko gaanong nakakausap o nakakatext e alam kong sinsero pag nagtanong kung kumusta na ba ako. Kung busy ba ang araw ko. Kung masaya ba ko o malungkot. Kung kelan ako huling nagpunta ng Manila Zoo.

Marami pa silang nasa balakubak ng utak ko ngayon. Sina Cucay, Mia, Jez, Gracie. Sina Teindz, Edong, Epro, Glennfiddich. Tas sina Tay Ruben, Kuya Gary, Ems, Boom, Lola, Mash, Ryan. Sina Liz, Lara, Benchz, Charm, Rache, Ayen, Owen.

Elephant mode ako ngayon. Pasensya na. Senti.

Saturday, August 11, 2007

David's Sling 02

"What's new?" I asked without a trace of wonder.

I could have said, "C'mon, David. You and Emilie had had more than just a few petty quarrels. A ledger won't be enough for the time when Emilie cursed you for being "baduy" and I could make a list for the hours I spent wheedling that you look "a-ok".

"So, what's new?" I asked again.

David just stood there. An empty gaze towards the image of an embattled butterfly (although it looks more of a cocoon to me) sent me to a wistful sigh. Yes, David, stare at it. That's the very epitome of your darling Emilie. Sickening.

"She walked out on me when I told her I want to marry her."

And it was my turn to give the frame a look. It reminded me of Emilie. Complicatedly puzzling. But at that instant, I thank her. She saved David from a world that he is not ready to be a part of.

And I stared at David staring at the complicated painting of the buttercocoon.

"So, you're free."

Three words. I could have said it simply in two... "Thank God!" but I kept my mouth shut.

He smiled. Bitterly. Then he went straight to his room.

In a whisper, I cursed myself for being harsh. I should have comforted him. I should have told him Emilie doesn't deserve him.

But I was numbed both with pain and awe.

Pain, because I couldn't stand seeing David with a hurt look on his face.

Awe, because I couldn't quite explicate how happy I was that David was hurt.

I know, I'm harsh.

But then, Janice came.

And again, David mutated.