Naranasan ko noon na ipagtulakan palabas. Actually, nagpaalam pa nga yung tutulak sa akin na itutulak nya ko.
Masikip kasi noon sa MRT, lunes ng umaga, rush hour. Sa sobrang sikip, kailangan mo talagang magsuper effort para mahawi mo yung mga tao para mabigyan ka ng daan. Akala ko madali lang, kasi payatotski naman ako. Madaling sumingit. Pero siksikan talaga kaya kahit anong gawin kong sigaw ng “EXCUSE ME!”, wala ring nangyari. Kaya sabi ng nagmagandang loob na babae, “Miss, itutulak kita. Hindi rin gagalaw yung iba pag hindi ka nagpilit!”
As in tulak, talaga! Para pa ngang naulinigan ko yung original pusher ng sinabi nitong, “O itulak niyo yung babae baka mapagsarhan!”
Kaya, yun, itinulak ako nung babae, at may iba pang nagala-pushers din hanggang makarating ako sa pintuan ng MRT.
Buti na lang fully padded ang aking Echolac bag kaya secure pa rin ang aking pinakamamahal na laftaf.
At mabuti na lang din, nagpaalam si original pusher sa kanyang gagawin. At least ready ako sa aking kakaharaping mga obstacles. Gayundin, sa pagpapaalam niya na itutulak ako, niready ko na rin ang sarili kong mabalian ng buto, makaamoy ng sarisaring body aroma, at masaktan.
Magandang learning experience nga iyon para sa akin. Kasi naalala ko rin nung minsang gusto kong aluin si bespren TeBe mula sa kanyang paghihinagpis sa pakikipagkalas ng kanyang bf. May joke text kasi akong nareceive pero masasaling ang kanyang damdamin. Tipo bang birong totoo. Pero kating-kati ang kamay kong ipabasa sa kanya. Kaya sabi ko, “TeBe, meron akong ipapabasa sa ‘yong joke, kaso masasaktan ka. Gusto mo bang saktan kita?”
Ang sabi niya, “Sure! Ikaw pa! Basta after, tatawa ako ha?”
Humagalpak naman siya sa tawa pagkabasa ng text. Sabi niya, hindi naman siya nasaktan. Slight lang. Niready naman daw niya ang kanyang sarili. :)
As for me, nireready ko lang ang aking sarili. Hinihintay ko kasi ang resulta ng aking effort-full journey to recovery. Isang oras din to. Sa tingin ko nama’y pwede na kong makipag-blood compact in an hour. Hayko!