Kung nais mo raw tunay na makilala ang isang tao, huwag kang makinig sa kanyang mga sinasabi kundi sa kanyang mga kilos at reaksiyon.
Kaya nga pinag-aaralan din sa komunikasyon ang mga non-verbal ways ng pakikipagtalastasan at ito yung nag-aaccount sa 70% ng communication effectiveness. Mas mataginting daw kasi ang nais ipahiwatig ng mga sulyap ng mata, lawak ng ngiti, bilis ng hakbang, ikom ng palad, biling ng ulo, laglag ng balikat at tono ng boses.
Pero kung likas din na artista at artistahin, pasensya pero maaari ka ring malinlang. Pero kahit artista, kung wala sa harap ng camera at nasa normal na sitwasyon, ay makikilala mo rin siya kanyang mga ipinapakitang kilos.
Dahil ang tao ay likas na makasarili. At dahil makasarili, hindi mo rin agad makikita ang tunay na pagkatao kasi nga sinasarili niya. Hehehe.
In general, una niyang iisipin ang kanyang sarili — kasama nito ang sariling mga pangarap, adhikain, kinabukasan, o anumang gusto nilang mangyari.
Sige, para maging kapani-paniwala, maglalagay ako ng source.
Ayon kay Ayn Rand, selfishness is a virtue. Ito yung sentro ng mga pamoso niyang nobela. Pero ang selfishness na tinalakay dito ay may ibang pakahulugan sa alam nating pagkamakasarili at hindi ang selfishness na madalas nating ihalintulad sa kasakiman.
Sa mga hindi pa nakakabasa ng mga libro ni Ayn Rand, inuulit ko, hindi ito yung selfishness na madalas, kahit pinagkakatago ng mga kurakot, ay naamoy pa rin ng mga taong ang ginagawa naman ay ibulgar sila.
Iba rin ito sa hindi pagcocontribute o pagseshare ng mga kaalaman dahil nais mong ikaw lang ang nakakaalam at ikaw lang ang umunlad dahil sa kaalamang iyon. Halimbawa nito ang monopolyo o kaya ay sa simpleng halimbawa, ang hindi pagsasabi sa iyong mga kasama ng nais na timpla ng kape ng iyong boss dahil gusto mong ikaw lang ang nagtitimpla ng kape niya, kahit pa nakabakasyon ka ng isang buwan.
Hindi ito yung selfishness na lagi nating inihahalintulad sa pag-iisip sa sarili, at tanging sarili lamang, na pati kunsensya mo ay ayaw mong kausapin. Na ang iyong gawa o pagiisip ay ganito, “Ako lang, hindi ikaw, pero kung ikaw man, ako pa rin.”
Kumbaga, para maging virtue ang selfishness, kailangan mo pa ring maging rasyonal at kaya mong sabihin at ipakita ang kahalagahan ng iyong sarili at ng iyong mga gawa, na tama at may silbi ka bilang tao, at dahil dito, nagiging kapakipakinabang kang miyembro ng sosyedad. Ganito ang sistema ng Objectivism. Ang pagpili ng isang gawa o desisyon base sa rason (hindi emosyon), na hindi mo kailangang isakripisyo ang iyong sarili para sa iba o ang iba para sa iyong sarili.
In short, malaya kang maging ikaw. Parang si Dr. House. Although may mga episodes na kakikitaan din siya ng karampot na emosyon, kadalasan pa ring umaangat ang kanyang rasyonalidad, at ito ang nagiging daan upang maging epektibo siyang doktor. At pamoso siya hindi dahil sa kaweirduhan niya kundi sa kanyang galing.
Ibig sabihin lang, hindi mo kailangang manahimik o magtago dahil hindi mo kailangang manahimik o ilihim ang isang bagay na alam mong rasyonal at may silbi, na magpapatunay din na isa kang kapakipakinabang na nilalang, at karapatan mo ito.
Ganito din ang prinsipyo ng mga bidang karakter ni Rand. Si Howard Roark na isang arkitekto na hindi niya kinompromiso ang tingin niyang tunay na kagandahan ng isang istruktura kahit pa dumating ang panahong wala ng magpadisenyo sa kanya. Si John Galt na nakaimbento ng mas matibay, mas mura, at mas magaan na elemento kaysa bakal at hindi sumuko kahit pa isumpa na siya pati ng gobyerno.
Isang kahihinatnan din ng Objectivism ang free market. Na may karapatan ang bawat isang ipakita ang kanilang mga gawa, malaya itong suriin at batikusin, at malaya ang bawat indibidwal na mamili ng para sa kanya.
Naalala ko nga yung isang rason kung bakit tila hirap na hirap ang ilang ahensya ng gobyerno (o ilang tao na humahawak dito) sa pagtanggap ng F/OSS.
Sa pag-iimplement kasi ng mga proyektong Open Source, hamak na mas maliit ang kailangang budget kahit pa higit na mas kapakipakinabang, mas madaling gamitin, at mas mataas ang seguridad ng mga teknolohiyang nasuri at nagamit na ng mga indibidwal na gumagamit at naniniwala din dito. At dahil mas maliit ang kailangang i-invest sa mga proyektong Open Source, wala ng alokasyon para sa kurakot.
Kaya mahirap itong tanggapin ng mga taong ang pagiging makasarili ay kasinghulugan ng kasakiman.
Tuesday, October 7, 2008
Likas na Makasarili
Posted by walangmalay at 12:29 PM 0 comments
Labels: Jakulit
Subscribe to:
Posts (Atom)