Una, salamat sa aming mga bossing, Meric at Deng, sa isang di makakalimutang salu-salo para ipagdiwang ang Pasko sa Walong Patong. Nakakaaliw, at nakakabaliw. Inumpisahan kasi ni Manong Cab Driver na feeling close na nakikipagkulitan habang tinatahak namin ang Edsa. Ang unang stop, sa Global Fun.
Medyo nabitin nga lang kami ng kaunti kasi hanggang 12mn lang pala sila noong Huwebes, e 1030p na kami nakarating. At dahil gustong sulitin, namputsa, una naming sinakyan 'yung Ranger! Susme, para akong nakasakay sa isang palakol na iwinawasiwas ng isang makulit na troll!
Free as a bird naman ang feeling ko sa giant swing. Kaso, hindi okey yung hangin. Para bang may hindi natapos na mwss project sa tapat. Hay, superb na sana...
Tapos, pumila sila sa Flipper. Doon, nag-pass ako. Nakikita ko pa lang na para silang mga hilong tea bag na iniikot ikot at iniitsa kaliwa't kanan, nahihilo na ko.
At matapos namin silang panooring hilo, overlooking the MOA compound sakay ng giant ferris wheel (na dapat pala nagdala kami ng kape't tinapay para nasulit ang sakay) naman ang naging next round.
Kakatuwa. Kakahilo. Kakabitin.
Kaya, sugod ang 8liens sa Pier 1. Pakabusog lang. Pakalango din.
Kasarap ng crispy pata dun. At after mabusog, (at mabitin sila sa SML), balik office kami. At hindi na sa 218, o sa 703. Officially, 503 & 501 na ang unit number ng office namin. At di na sa AIC (hmm, namimiss kaya kami ni Jonna? at ng mga guards, at ng mga cashiers sa 711?). Nasa Remco Tower na pala kami.
Amuy pintura (yung kulay orange) pa yung mga dingding kaya siguro na-high kami sa saya ng Christmas party namin. At heto ang mga ibidinsya.
Yep yep... we were a bunch of 8liens so enjoying the 21st-22nd day of December in an 8layeriffic way knowing full well that when it's party time, it's crazy party time. And when it's work time, party time is just around the corner. =)
A biggie toast to 2008!
Sunday, December 23, 2007
Pasko sa Walong Patong
Posted by walangmalay at 1:42 PM 0 comments
Labels: Jakulit, Walong Patong
Saturday, December 1, 2007
Likas na Panggabi
Ginagabi na naman ako. Bakit kasi naumpisahan ko pa tong Jericho. Malay ko ba na ke ganda nito. Umpisa pa nga lang, na hook na ko. Heto, third episode na. Pangatlong oras ko na ring hindi maumpisahan ‘tong gusto kong gawin. sabi ko kasi, habang nanonood, iuupdate ko tong manual ni POS. Pero nasa Jericho ang utak ko.
Hehe, heto, pang-fourth episode na pala. At hindi na ‘ko ginagabi. Mukang uumagahin na ko. Siyempre, hindi ko naman gusto na mabitin. Tsaka naubos ko na ata ang tulog ko. Pagkagaling ko kasi sa breakfast kanina (naglipat nga pala kami ng office buong gabi), plakda na ko. At alas-onse na ng gabi nang magising ako.
Actually, nagising naman ako ng mga 4pm kaso sa sobrang cramps, nakatulog ulit. At pagkagising ko nga, dahil tulog na sila lahat, isinalang ko nga tong Jericho.
At alas dos na pala ng umaga. Hindi pa rin ako inaantok. As if aantukin pa ko nito.
Posted by walangmalay at 6:27 PM 0 comments
Labels: Jakulit